Rampahan ng mga katatakutan
RARAMPA
na naman ang mga zombie, maligno, diwata, impakto, mangkukulam, mambabarang, diosa, tikbalang, kapre, tagachu, aswang, manananggal, engkantada at kung anu-ano pang nilalang sa “Takutan Sa Burgos 2017” sa Sabado (Oktubre 28) ng gabi sa Burgos St., Brgy. Poblacion, Makati City.
Nasa ika-12 taon na ang Halloween festival parade na ito na dinarayo ng mga kalahok at manonood taun-taon.
Eh, kasi naman hindi basta-basta ang mga papremyo rito. Umaabot sa P114,000 ang cash prizes, at meron pang gift items na ipinamumudmod.
Sa Group category (at least 3 members), ang pinakanakakahilakbot ay magkakamit ng P20K. Para sa 1st runner-up, P10K. Sa 2nd runner-up, P5K.
Dalawang grupo ang tatanggap ng P3K na consolation prize.
Sa Ssolo (Scary), ang pinakanakakashookt... ang pinakapetmalu... ay mag-uuwi ng P15K. Para sa 1st runner-up, P10K. Sa 2nd runner-up, P5K. Siyam ang conso na P1K each. At sa Solo (Cosplay), ang pinakafabulous ay mag-uuwi ng P15K. May isang runner-up na tatanggap ng P10K, at siyam ang may P1K na pampalubag-loob.
Bawal ang mga tiyanak sa paligsahan. Ang kalahok ay dapat 18 y/o or older.
Banned din ang mga dragon. Bawal gumamit o magbuga ng apoy.
Bawal din ang paggamit ng mga babasagin, matatalim at matutulis na bagay. Mabuti na ang nag-iingat. OK lang siguro ang matutulis na baba! Siyempre, bawal sumali ang mga nasa impluwensya ng alak o droga. Ayaw ni Tokhang ng ganyan!
Alas 5:00-7:00 PM ang registration sa Sabado, 9:00 PM ang assembly, 10:00 PM ang simula ng parada, 1:00 AM ang awarding.
Para sa mga detalye, makipag-alam sa cell# 09429641779 (Juancho), 09298625492 (Michael), 09453905368 (Joemarie).
Awooooo!!!!