Balita

Atak, nagpiyansa na

-

PANSAMANTA­LANG

nakalaya sa piitan ang comedian/TV personalit­y na si Ronie Arana

y Villanueva alyas Atak nang magpiyansa sa kinakahara­p na kasong Acts of Lascivious­ness na isinampa ng isang bell attendant ng hotel casino sa Parañaque City kamakailan.

Sinabi ni Senior Supt. Victor Rosete, hepe ng Parañaque City Police, dakong 8:30 ng gabi nitong Martes nagpiyansa ng P12,000 si Atak, 45, ng No. 12 New Manila, Quezon City, sa sala ni Assistant Chief Prosecutor Christian Paul Mendoza base sa rekomendas­yon ng piskalya sa naturang kaso na isinampa ng biktimang si Mark Christian Macavinta y Tinagan, 21, bell attendant ng Okada Manila, ng No. 6515 Metrohomes, 4D3 Pureza, Sta. Mesa, Manila.

Ayon pa kay Rosete, maghaharap ang magkabilan­g panig para sa preliminar­y investigat­ion kapag napadalhan ng subpoena mula sa piskalya.

Dalawang araw na nakulong si Arana sa detention cell ng Parañaque City Police nang puwersahan umano nitong yakapin, halikan at hawakan ang ari ni Macavinta habang nasa loob ng Room No. 725 ng Okada Manila,Tambo ng lungsod, dakong 2:40 ng hapon noong Oktubre 22.

Maghahain naman umano ng kontra demanda ang kampo ng komedyante laban sa biktima dahil sa kahihiyang sinapit sa ginawa sa kanya ni Macavintan.

Si Macavinta ay sinasabing pamangkin ng isang retiradong heneral ng Philippine National Police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines