Balita

Kenny Rogers, magreretir­o na

- Cover Media

INIHAYAG

ni Kenny Rogers na handa na siyang magretiro pagkatapos ng Music City Walk of Fame induction na kabilang sa kanyang bucket list.

Tatapusin ng veteran country star ang kanyang karera sa paghahando­g ng isang malaki, star-studded farewell concert sa Nashville, Tennessee sa Miyerkules ng gabi at sa Martes, nasa lungsod din siya para tumanggap ng major honor.

Tinanggap ng The Gambler singer, kapiling ang kanyang pamilya, mga kaibigan at daan-daang fans, ang kanyang puwesto katabi sina

Dolly Parton at legends Elvis Presley at Johnny Cash sa Music City Walk of Fame, at inamin na matagal na niyang pinangarap na mapabilang sa pavement salute bilang biggest stars sa bansa.

“This was, believe it or not, my last thing on my bucket list,” ani Rogers. “I’ve been doing really well, and I realised that I really didn’t have Nashville acceptance. I wasn’t country in the sense of Johnny Cash and those guys, and I knew it... So gradually, music caught up to me.” Malinawag na may buhay na haharapin si Rogers kapag nagretiro, at nagbahagi tungkol sa kanyang kambal na teenagers, na nakaupo sa front row habang isinagawa ang seremonya. “They said, ‘Dad, what are you going to do when you quit working?’” nakangitin­g kuwento ng singer. “I said, ‘I don’t know. I thought I’d come home and spend all my time with you guys’. And they both went, ‘Oh God!’ So it may not have been a good idea, but I’m excited about trying.” Si Rogers, kasama ang kanyang Oak Ridge Boys, ay magpapaala­m sa kanyang fans at mga sikat na kaibigan sa All In For The Gambler: Kenny Rogers’ Farewell Concert Celebratio­n sa Nashville’s Bridgeston­e Arena sa Miyerkules. Magtatangh­al sina Parton, Lionel Richie, Reba McEntire, Chris Stapleton, at Lady Antebellum bilang pagbibigay-pugay kay Kenny.

 ?? Kenny ??
Kenny

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines