Kapatid ni Nicki Minaj, binantaan ang stepson hinggil sa umano’y panghahalay
BINANTAAN
umano ng kapatid ni Nicki Minaj na papatayin ang stepson kapag nagsalita ito hinggil sa umano’y panghahalay nito sa stepdaughter, ayon sa korte.
Dinidinig ang kaso ni Jelani Maraj sa New York dahil sa akusasyon na ilang beses na panghahalay sa kanyang dalagitang stepdaughter, kaya ito inaresto noong Disyembre 2015. Itinanggi nito ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya.
Nitong Lunes, umupo ang kapatid ng biktima sa witness stand sa Nassau County Supreme Court at idinetalye ang nakita noong gabing sinisipingan ni Maraj ang kanyang kapatid na 11 taong gulang noon.
Isinalaysay ng bata sa jury kung paano niya hinanap ang kanyang nakakatandang kapatid nang maputol niya ang lapis, nang makita na ang pantalon ng kanilang stepdad ay “around her ankles”, at nakatayo malapit sa kapatid at ang underwear nito ay “close to his knees”.
“I thought it wasn’t right,” saad ng batang sampung taong gulang na ngayon. “It looked weird to me, so I ran upstairs.”
Nang komprontahin ni Maraj ang bata ay sinabing ilang ulit nitong sinampal ang kanyang mukha. “He asked me if I had seen anything,” pagbabalik-tanaw ng bata. “I said, ‘Yes.’ He slapped me on the cheek.”
Binantaan umano ng 38 gulang noon na si Maraj ang bata na hindi na makikita ang ina, ang asawa ni Maraj na si Jacqueline Robinson, kung sasabihin niya sa iba ang nasaksihan.
“Jelani said I wouldn’t see her again if I told on him,” lahad ng bata. “His face was kind of mad.” Sa crossexamination sa saksi, tinanong ng abogado ni Maraj, si David Schwartz, ang bata kung nakita mismo nito ang nangyari, dahil patay ang ilaw sa kuwarto ng kanyang kapatid.
“You would agree that when the light is not on, the room is very dark?” tanong niya, kaya sumagot ang bata ng “Yes.”
Sinabi ni Schwartz na set-up ang buong kaso, at inakusahan ang asawa ni Maraj, na pinakasalan ang kanyang kliyente apat na buwan lamang bago ang kanyang pagkakaaresto bilang bahagi ng extortion plot upang makakuha ng $25 million (£19 million) payout mula sa rap superstar na si Nicki.
Nagsampa ng diborsiyo si Robinson noong nakaraang taon.
Ayon sa mga report, magiging defense’s star witness ang No Frauds hitmaker para sa kanyang kapatid, bagamat hindi pa alam kung kailan ito gaganapin.
Hindi nagbibigay ng komento ang superstar hinggil sa kaso ng kanyang kapatid, ngunit nanatili itong nakasuporta sa kanya at inilagay sa collateral ang kanyang dalawang bahay upang mapiyansahan ng $100,000 (£76,000) ang kapatid.