Balita

Ika-59 labas

- R.V. VILLANUEVA

NAGDESISYO­Nang apat na tauhan ni Don Andres na sakyan na ang sasakayan kahit plat ang gulong nito. At hindi nagtagal ay nakarating na sila sa mansyon ng kanilang amo upang ibalita ang kanilang nakita at napakingga­n.

“Mabuti naman at nakabalik na kayo,” wika ni Don Andres. “Ano bang nangyari?”

“Rolan, ikaw na ang magpaliwan­ag kay Don Andres,” wika ni Harry. “Tutal, ikaw ang nakaranas ng mahiwaga at kataka-takang pangyayari­ng naging dahilan para hindi agad tayo makabalik!”

“Ano bang nangyari, Rolan?” Tanong ni Don Andres. “Huwag mong sabihing may kinalaman ang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­ang naniniraha­n daw sa barangay Bayan-bayan?”

“Gano’n na nga po, Don Andres,” sagot ni Rolan. “Pinaglarua­n ng mga nilikhang ‘yun ang mga gulong ngsasakyan!”

“Anong ginawa ng mga nilikhang ‘yun?” Tanong ni Don Andres.

“Ako po ang naiwan sa sasakyang ipinarada namin sa gilid ng barangay road hindi kalayuan sa bahay ni Mang Edgardo. Ngunit habang binabantay­an ko, narinig kong pumupuslit ang hangin sa gulong ng sasakyan,” paliwanag ni Rolan.

“Pumupuslit ang hangin sa gulong ng sasakyan?” Tanong ni Don Andres.

“Opo,” sagot ni Rolan. “Nang marinig ko ang pagpuslit ng hangin sa gulong na nasa kabila pinuntahan ko, ngunit pumuslit naman ang hangin sa gulong sa pinagmulan ko!”

“Kataka-takang pangyayari,” wika niDon Andres. “Tapos, ano pang nangyari?”

“Ganoon na nga po, kapag nasa kabilang bahagi akong sasakyan, pumupuslit ang hangin sa mga gulong na nasa kabila at kapag pumunta ako roon, sa pinagmulan ko naman pumupuslit,” paliwanag ni Rolan.

Hindi sumagot o nagbigay ng komentaryo si Don Andres Hamoria sa paliwanag ng nagmaneho ng sasakyang ginamit ng mga tauhan papunta sa barangay Bayan-bayan. Pumunta sa nasabing barangay sina Harry, Sendong, Rading, Dodong at Rolan para gawin ang utos niyang kilalanin ang taong dumating sa bahay ni Mang Edgardo. Iniutos ni Don Andres ang lihim na pagsubayba­y sa mga nagaganap sa buhay ni Mang Edgardo dahil siya ang utak ng karumal-dumal na krimeng naging sanhi ng kamatayan ng asawa ng lalaki at sanggol sa sinapupuna­n. Lihim sa mga kabarangay, ito rin ang paniniwala ni Mang Edgardo kaya malapit sa mga nilikha at hindi nagagalit kahit madalas biruin kapag natutulog.

“Sino ba ‘yun dumating na lalaki sa bahay ni Edgardo na sakay ng magara at mamahaling sasakyan?” Tanong ni Don Andres. “Sa tingin ko, hindi siya pangkarani­wang mamamayan sa barangay na ‘yun.”

“Tama kayo, Don Andres,” sagot ni Harry. “Hindi pangkarani­wang tao ang dumating sa bahay ni Mang Edgardo dahil magpapatay­o ng bahaybakas­yunan sa lupang kinatitiri­kan ng bahay niya!”

“Dati hongsa barangay Bayanbayan nakatira ang lalaki. Bukod

sa magkumpare sila ni Mang Edgardo, magkababat­a at matalik na magkaibiga­n,” wika ni Sendong.

“Ano raw pangalan nu’ng lalaki?” Tanong uli ni Don Andres. “Daniel po,” sagot ni Harry. Natahimik si Don Andres ng marinig ang pangalan ng lalaking dumating sa bahay ni Mang Edgardo na lulan ng magara at mamahaling sasakyan. Payak lang ang dahilan sa ginawa niya, totoo ang hinalang naglaro sa kaniyang isip. Ang kumpare, kababata at matalik na kaibigan ni Mang Edgardo na si Mang Daniel ang dumating sa bahay ng una na nakatirik sa lupa ng huli. Lihim, nakadama ng pagkabalis­a si Don Andres sa impormasyo­ng nalaman sa mga tauhan.

Hindi nakaila sa mga tauhan ang kaniyang kilos kaya naghintay ng utos sa Don. Ngunit hindi naganap ang gustong mangyari nina Harry, Sendong, Rading, Dodong at Rolan dahil inutusan sila ni Don Andres na pumunta na sa quarter nila para magpahinga at matulog. Matapos umalis ang mga tauhan, nanatili siya sa veranda ng mansyon na nasa ikalawang palapag at nakatanaw sa direksyon ng barangay Bayan-bayan na nag-iisip.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines