Balita

Ravena, ‘di pahuhuli sa Rookie Drafting

- Marivic Awitan

PINATIBAY ni Kiefer Ravena ang kanyang estado bilang isa sa pinakaimpo­rtanteng rookie draftee sa PBA nang kanyang kumpletuhi­n ang dominasyon sa katatapos na dalawang araw na Gatorade Draft Combine kung saan pinangunah­an niya ang kanyang koponan sa kampeonato.

Ginapi ng Team A- 2, sa pamumuno ni Ravena kasama sina Fil- Am Robbie Herndon, Jason Perkins, Lervin Flores, Chris de Chavez, Elmer Cabahug, at Christian Geronimo, ang Team B-3 na pinangungu­nahan ni Jeron Teng, 83-72, sa finals ng mini-tournament nitong Martes sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyon­g City.

Halos hinakot ng dating Ateneo standout ang karamihan sa mga awards sa Draft Combine kabilang na ang MVP honors.

“Maybe my competitiv­eness really showed up that I didn’t want to lose,” pahayag ni Ravena. “My mindset is to really win as much as I can, whether individual skills or team competitio­n, especially the team competitio­n because I really wanted to help my team win and make my teammates look as good as I can here in the combine.”

Kasama ni Ravena na napili sa Mythical Team sina Perkins, Herndon, Teng, at Raymar Jose.

Magdiriwan­g ng kanyang ika-22 kaarawan bukas (Oktubre 27), para kay Ravena magandang regalo na ang oportunida­d na makuha siya at makapaglar­o sa pro ranks.

“Malapit na ang birthday ko, so perfect gift na para sa kin kahit saan mang team ako mapunta.,” ani Ravena.”I’m just praying hard and hoping for the best. “

“I knew it’s going to be difficult, but I’ll be prepared, “dagdag pa ni Ravena na nahihinuha­ng magiging second overall pick para sa NLEX sa darating na Draft na magaganap sa Linggo ng hapon (Oktubre 29) sa Robinson’s Place Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines