Balita

Angelina, minana ang beauty ni Sunshine

- Ni JIMI ESCALA

PANGANAY na anak si Angelina at una nang nagdadalag­inding kaya mas nagiging confident na at mas nauna nang nagdedevel­op ang katawan, kaya naman kitang-kita na manang-mana ito sa celebrity aura o pagiging artista, beauty at kaseksihan ni Sunshine Cruz.

Nag-post sa Instagram si Sunshine kasama ang tatlong anak niyang sina Angelina, Cheska at Samantha na pare-pareho silang nakasuot ng bikini. Marami ang nagkomento na si Angelina ang higit na nagtatagla­y ng mas magandang tindig o height at hubog ng katawan gaya ng ina, sumunod si Cheska at hindi rin naman patatalo ang bunsong si Samantha, na kahit fifteen years old pa lang ay gumaganda na ang hubog ng katawan.

Kuwento ni Sunshine, sixteen years old na si Angelina and two years from now ay magde-debut na ito na paghahanda­an na niya. Binanggit din ni Sunshine na nag-debut na sa Cebu ang anak ng kanyang pinsan na si Donna Cruz, si Belle Larrazabal pero hindi sila nakapunta.

“I think mga taga-Cebu lang ang mga bisita niya at alam naman niyang busy ako sa taping kung kaya hindi kami nakarating. Sa totoo lang, parang kailan lang, eh, kaming magpipinsa­n ang halos sunud-sunod na nag-debut pero ngayon, eh, ‘yung mga anak na namin,” sey ng aktres.

Sa iba pang bagong posts ni Sunshine na kuha sa outing nilang mag-iina, kapansin-pansin ang napakakini­s at maputing kutis ni Sunshine na tinukso naming tiyak na nami-miss ng dating asawa.

“Limang taon na kaming hiwalay. Kaya move on na tayo,” sagot ng isa sa mga bida ng top rating na Wildflower ng ABS-CBN.

Siyempre, may Macky Mathay nang nagmamahal kay Sunshine. Isang taon na silang magkasinta­han.

“Matagal na rin namang meron si Cesar. And we are both in a much better place away from each other. Masaya siya at gano’n na rin naman ako,” paliwanag ng premyadong aktres.

Samantala, humingi na ng depensa kay Sunshine ang management ng Canyon Cove Hotel dahil sa pagiging unprofessi­onal ng isa sa mga staff nito na tumawag ng “loka” at suplada” sa aktres.

“The management of Canyon Cove Hotel & Spa values the privacy of all our guests. We sincerely apologize for the unprofessi­onal behaviour of our security guard and delayed service. Please be rest assured that this is an isolated incident and we will not tolerate such acts from any of our staff. The entire security team have all been taken to tasked. Again, please accept our sincerest apologies,” paumanhin ng management ng naturang hotel na tinanggap naman ni Sunshine.

“Ang sa akin lang, eh, hindi na sana mauulit ‘yun sa iba pa nilang guest. My family went there to enjoy and relax. Nagbibigay po ako ng oras sa mga nagpapa-picture sa akin, kaya dapat lang na pangaralan nila ang empleyado nilang ‘yun,” sey pa ni Ms. Sunshine Cruz.

 ??  ??
 ??  ?? Samantha, Sunshine at Angelina
Samantha, Sunshine at Angelina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines