Balita

PH drug war, ‘model’ ng ibang bansa

- Ni Genalyn D. Kabiling

Pinag- iisipan ng ibang bansa na tularan ang Pilipinas sa pagsugpo sa panganib na dulot ng droga sa kabila ng mga kritisismo ng ilang grupo sa administra­syong Duterte, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque Jr. na ang war on drugs ng gobyerno ay naging “hugely successful” kaya ang nagbabalak ang ilang kapit-bansa natin na magpadala ng “observers” sa Pilipinas.

“Let us not underestim­ate the success of the President in the war against drugs. As in fact, other countries now look to us as a model,” sabi ni Roque sa press conference na isinagawa sa Cebu City nitong Linggo ng gabi.

“Just a few days ago, President Trump himself declared his own version against war, his own war against drugs. And other ASEAN ( Associatio­n of Southeast Asian Nations) countries are also sending their observers here to find out exactly what steps we are taking that have led to our success in this war against drugs,” sabi niya.

Sa pagbabahag­i sa pinakamahu­husay na hakbangin ng bansa, sinabi ni Roque na gumamit ang Pangulo ng “tremendous political will” upang lutasin ang problema sa droga, at ginawa itong national priority.

“This is the first time really that we have waged a campaign of this magnitude. And in fact, until the administra­tion of President Duterte came along, we hardly felt that there was any importance ‘no or that they considered the drug problem as a priority,” aniya.

“It’s only under the administra­tion of President Duterte that we have number one, given a priority to this problem; and number two, used the tremendous political will in countering these problems,” sabi niya.

Sa kasalukuya­n, sinabi ni Roque na dahil sa local drug crackdown ay libu-libong drug suspects ang naaresto. Nananatili ring malakas ang suporta ng publiko sa drug war sa kabila ng mga alegasyon sa paglabag sa karapatang pantao ng ilang grupo, dagdag niya.

Inihayag niya na tumaas nang husto ang presyo ng shabu dahil sa maigting na anti-drug campaign ng gobyerno, kaya hindi na ito kayang bilhin ng maraming tao. Sinabi niya na may “proof that supply has been curtailed as the result of the war against drugs.”

Naging agresibo ang Presidente sa kampanya laban sa illegal drugs pero tinuligsa ng human rights advocates dito at sa ibang bansa ang dumaraming diumano’y summary killings at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Nanguna ang Simbahang Katoliko kamakailan sa prayer action na naghahanga­d na maghilom ang sugat na natamo ng bansa mula sa diumano’y extrajudic­ial killings sa ilalim ng madugong giyera ni Duterte sa droga. Ilang opposition personalit­ies ang dumalo sa aktibidade­s na ginanap sa EDSA Shrine at kapalit na EDSA 1986 people power monument.

 ?? Roque ??
Roque

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines