Balita

R10- M shabu nakuha sa anak ng ‘drug queen’

- Ni CHITO CHAVEZ

Aabot sa P10 milyon halaga ng hinihinala­ng shabu ang nakumpiska kahapon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) mula sa isang condominiu­m unit malapit sa Solano gate ng Malacañang, kasunod ng buy-bust operation na isinagawa laban sa anak ng tinagurian­g “drug queen”.

Inaresto ng mga operatiba ng PDEA si Diana Yu-Uy, residente sa sinalakay na condominiu­m unit, kung saan nasamsam ang dalawang kilo ng shabu na nasa anim na plastic bag.

Ang suspek ay anak ni Yuklai Yu, tinagurian­g “drug queen” na kasalukuya­ng nakapiit sa Correction­al Institutio­n For Women (CIW), ayon kay Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino.

Sinabi ni Aquino na ginagamit ng 72-anyos na si Yuklai ang anak nitong babae, si Uy, upang magsupply ng ilegal na droga sa loob ng CIW at sa iba pang lugar.

Labingsiya­m na taon nang nakapiit si Yuklai sa CIW.

Nauna rito, sinabi ni PDEA Spokespers­on Derrick Arnold Carreon na nagsagawa ng surprise inspection ang mga taga-PDEA sa CIW at nakakumpis­ka ang mga operatiba ng dalawang cell phone at P2-milyon halaga ng shabu.

Kabilang sa mga nakumpiska pang kontraband­o ang ilang pakete ng shabu na nadiskubre sa loob ng pantyliner sa selda ni Yuklai.

Iginiit naman ni Uy na inosente siya at isa siyang lehitimong rice dealer.

Inakusahan din niya ang mga tauhan ng PDEA ng pagtatanim umano ng mga ebidensiya sa loob ng kanyang condo unit, na mariin namang itinanggi ni Aquino.

Ibinunyag pa ni Aquino na nagalok umano si Uy ng P5-milyon suhol kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban dito.

 ?? JANSEN ROMERO ?? TODO-TANGGI Kinakausap ni PDEA Chief Aaron Aquino si Diana Yu-Uy makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Maynila at makumpiska­han umano ng P10-milyon halaga ng shabu, sa isang condominiu­m malapit sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila kahapon.
JANSEN ROMERO TODO-TANGGI Kinakausap ni PDEA Chief Aaron Aquino si Diana Yu-Uy makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Maynila at makumpiska­han umano ng P10-milyon halaga ng shabu, sa isang condominiu­m malapit sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines