Balita

26 nagsisimba sa Texas, minasaker

- May ulat ni ROY C. MABASA

SUTHERLAND SPRINGS (REUTERS, AP) – Minasaker ng isang armadong lalaki na nakasuot ng itim na tactical gear ang 26 kataong nagsisimba sa isang simbahan sa Texas nitong Linggo ng umaga, sa huli ng mass shootings na gumimbal sa United States. May 20 iba pa ang nasugatan

Walang habas na namaril ang nagiisang suspek, nakasuot ng ballistic vest at may bitbit na Ruger assault rifle, habang papasok sa First Baptist Church sa Sutherland Springs. Ang Sutherland Springs ay nasa Wilson County, may 65 km ang layo mula sa silangan ng San Antonio.

Ang mga biktima ay nasa edad 5 hanggang 72 anyos, sinabi ng mga awtoridad news conference.

Matapos ang pamamaril, isang residente ang bumaril sa armadong suspek, inilarawan na puting lalaki na nasa edad 20s, gamit ang rifle. Kasunod nito ay ibinaba ng suspek ang kanyang assault weapon, at tumakas sakay ng kanyang sasakyan, ayon kay Freeman Martin, regional director ng Texas Department of Public Safety.

Ibinangga ng suspek ang kanyang sasakyan malapit sa hangganan ng katabing Guadalupe County at natagpuan siyang patay sa loob ng sasakyan, na may kargang maraming armas.

Hindi pa malinaw kung nagpakamat­ay ang suspek o tinamaan siya ng barilin ng residente sa labas ng simbahan, ayon sa mga awtoridad.

“We are dealing with the largest mass shooting in our state’s history,” sabi ni Texas Governor Greg Abbott sa news conference.

Ayon sa mga ulat, ang suspek ay si Devin Patrick Kelley, 26-anyos, naniniraha­n sa New Braunfels, Texas, may 56 km sa hilaga ng Sutherland Springs.

“We don’t think he had any connection to this church,” sabi ni Wilson County Sheriff Joe Tackitt sa CNN. “We have no motive.”

Sinabi ni President Donald Trump na sinusubayb­ayan niya ang sitwasyyon habang nasa Japan para sa 12-day Asian trip. Tinawag niya ang pamamaril na “act of evil”.

Ayon sa mga saksi, 20 putok ng baril ang narinig dakong 11:30 a.m. (1730 GMT) habang idinadaos ang church services. Hindi malinaw kung ilang mananampal­ataya ang nasa loob ng simbahan ng mga panahong iyon.

PH NAKIRAMAY Nagpahayag ng pakikidala­mhati ang gobyerno ng Pilipinas sa mass shooting sa Texas.

“We are saddened by this unimaginab­le tragedy in San Antonio that took the lives of many innocent men, women, and children,” sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa inilabas na pahayag kahapon.

Sa ulat ng DFA, sinabi ng Philippine Consulate General sa Los Angeles na walang Pilipino na kabilang sa mga namatay sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines