Balita

Empleyado kinatay ng katrabaho

- Mary Ann Santiago

Labas ang bituka at putol ang tatlong daliri ng 50-anyos na production maintenanc­e ng isang tabloid newspaper matapos siyang abangan at pagsasaksa­kin ng nakaalitan­g katrabaho sa loob ng kanilang pinagtatra­bahuhan sa Port Area, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Isinugod pa sa Manila Doctor’s Hospital si Arnold Reyes, 50, trabahador ng People’s Journal, at taga-Barangay Santolan, Pasig City, ngunit binawian din ng buhay dahil sa tinamong malalim na saksak sa kanang bahagi ng tiyan.

Nabatid na halos ikaluwa ng bituka ni Reyes ang tinamo niyang saksak sa tiyan, habang naputol din ang tatlong daliri sa kaliwang kamay nito.

Pinaghahan­ap na ng mga awtoridad ang suspek na si Ronnel Tolibat, alyas “Boy Foundation”, production assistant ng People’s Journal.

Nabatid na dakong 8: 45 ng gabi nang maganap ang krimen sa ikalawang palapag ng People’s Journal building na matatagpua­n sa pagitan ng 19th Street at Railroad Street sa Port Area.

Batay sa ulat ni SPO3 Charles John Duran, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), dakong 8:45 ng gabi at magdu-duty si Reyes sa ikalawang palapag ng People’s Journal building sa 19th Street at Railroad Street sa Port Area nang salubungin siya ng saksak ng suspek.

Nabanggit pa ni Reyes sa kanyang mga katrabaho na sinaksak siya ni Boy Foundation, na kaagad na hindi na matagpuan sa establisim­yento.

Lumilitaw na posibleng resbak ang motibo sa pagpatay dahil dati na umanong may alitan ang dalawa na nag-ugat nang kumprontah­in ni Reyes si Tolibat na lagi umanong nakatingin sa kanya. Nitong Sabado, nagtalo pa ang dalawa na nauwi sa pambabato ng biktima ng bote sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines