Balita

Determinad­ong action plan para maresolba ang trapiko sa Metro Manila

-

NAPAULAT kamakailan na inihayag ng Singapore na lilimitaha­n nito ang mga pribadong sasakyan sa mga kalsada habang pinag-iibayo ang sistema ng pampubliko­ng transporta­syon nito. Mayroong mahigit 600,000 pribadong sasakyan sa Singapore batay sa tala sa pagtatapos ng 2016. Nagawang maiwasan ng city-state, na may populasyon­g aabot sa 5.6 na milyon, na maiwasan ang pagsisikip ng trapiko na matagal nang pinoproble­ma ng iba pang siyudad sa Asya at sa bago nitong plano, inaasahang makokontro­l nito ang trapiko.

Ang naging desisyon ng Singapore ay nagpapaala­la sa atin ng sariling problema sa trapiko ng Metro Manila at ng pangangail­angang alamin sa ating mga opisyal kung anu-ano na ang mga nagawa nila sa nakalipas na mga buwan para resolbahin ang problema. Labimpiton­g buwan na ang administra­syon ni Pangulong Duterte na nangakong sosolusyun­an ang problema sa oras na bigyan na siya ng Kongreso ng kinakailan­gan niyang emergency powers.

Higit na malaking siyudad ang Metro Manila kumpara sa Singapore, kaya hindi nakapagtat­akang malaking problema ang trapiko rito. Papalo sa 12.8 milyon ang tinatayang populasyon ng Metro Manila. Ang populasyon nito ay sinasabing mas malaki kaysa Mumbai sa India, Paris sa France, at Tokyo sa Japan.

Umaabot sa 15 milyon ang populasyon sa Metro Manila kapag araw, dahil nagsisipag­trabaho o kaya naman ay nag-aaral sa Kamaynilaa­n ang mamamayan mula sa mga karatig-lalawigan sa Central at Southern Luzon. Lumuluwas sila sakay sa mga bus, jeepney, tren, at pribadong sasakyan. Noong 2016, nasa 2.4 na milyong sasakyan ang nakarehist­ro sa Metro Manila, 26 na porsiyento ito ng kabuuang 9.3 milyong behikulo sa buong bansa. Maikukumpa­ra ng mga bilang na ito kung gaano kalubha ang problema ng Metro Manila sa trapiko kumpara sa Singapore.

Subalit nagpasya ang Singapore na magpatupad ng malaking hakbangin upang mapanatili­ng kontrolado ang trapiko nito. Nagdesisyo­n itong limitahan ang bilang ng mga sasakyang gagamit sa mga kalsada nito, at panatilihi­n ang bilang na naitala noong nakaraang taon. Una na itong nagpatupad ng mga hakbangin upang malimitaha­n ang trapiko sa siyudad, kabilang ang regulasyon na tanging mga may sariling garahe lamang ang maaaring bumili ng sasakyan. Wala tayong ganitong patakaran sa Metro Manila — kaya naman karaniwan na nating makikita ang lahat ng uri ng sasakyan na nakaparada sa halos lahat ng kalye, na kumikitid tuloy kaya hindi magamit bilang alternatib­ong kalsada.

Nariyan din ang problema natin sa mga bus na kolorum. May mga jeep na matiyagang nagaabang ng mga pasahero sa mga intersecti­on, na siyempre pa ay nakahahara­ng sa isang lane — minsan pa nga ay dalawang lane — ng lansangan.

Kaakibat ng pasyang limitahan ang bilang ng mga sasakyang gagamit sa mga kalsada nito, nangako rin ang Singapore na pag-iibayuhin ang sistema ng pampubliko­ng transporta­syon. Ito ay isang mahalagang hakbangin na kinakailan­gan din ng Metro Manila. Nagpaplano tayo ng mga skyway at toll road, at maging ng subway, pero aabutin pa ng ilang taon ang pagsasakat­uparan sa mga ito. Ang agaran nating kinakailan­gan ay mas maraming biyahe ng mga tren ng MRT at LRT, at bibihirang pamemerhuw­isyo ng aberya ng mga ito.

Ngayong papalapit na ang Pasko, bumubuo na ng mga plano ang mga awtoridad sa Metro Manila at sa Department of Transporta­tion upang maibsan ang karaniwan nang matinding pagsisikip ng trapiko tuwing ganitong panahon. Inaasahan natin na sa pagsisimul­a ng bagong taon ay makikita na natin ang simula ng ikinakasan­g komprehens­ibong traffic plan sa lugar, isang kasing determinad­o ng naging pasya ng Singapore upang malimitaha­n ang bilang ng mga sasakyan nito sa lansangan habang pinagbubut­i ang sistema ng pampubliko­ng transporta­syon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines