Balita

Buhay at sining ni Botong Francisco

- Clemen Bautista

KATULAD ng ibang mga alagad ng sining, ang mga pintor at karaniwang mamamayan ay mortal o may kamatayan. Nagbabalik sa kanyang Manlilikha. Ang idolo at itinuturin­g na folk saint ng mga taga-Angono, Rizal na si Botong Francisco ay nagbalik sa kanyang Manlilikha noong Lunes Santo ng Marso 31, 1969.

Halos lahat ng mamamayan ng Angono at iba pang mga kaibigan, tagahanga at kakilala ay naghatid sa huling hantungan kay Botong Francisco. Ngunit nagbalik man sa kanyang Manlilikha si Botong Francisco, buhay ang mga alaala niya sa kanyang mga mural at sa iba pang likhang-sining na nagtampok sa Philippine Art o Sining ng Pilipinas.

Maraming ginawa sa Angono upang manatiling buhay ang mga alaala at nagawa ni Botong Francisco, na itinuturin­g nilang isang dakilang kababayan. Nagpatibay ng isang Resolution ang Sanggunian­g Bayan ng Angono na ang isang mahabang lansangan sa Barangay San Isidro ay tinawag na Botong Francisco Avenue. Bukod dito, ang itinayong gusali ng National High School sa Barangay Mahabang Parang, bilang alaala sa National Artist, ay tinawag na Botong Francisco National High School.

Sa Donya Aurora Street sa Barangay Poblacion Itaas, naroon ang bahay, studio at art gallery ni Botong Francisco, ang mga painting at ibang likhangsin­ing ng National Artist ay iginuhit sa mga bakod na pader ng mga bahay. Nagawa ang proyekto sa pagsisikap ni dating Barangay Poblacion Itass Chairperso­n Arling Villamayor na naging board member ng Rizal, at ngayon ay miyembro ng Sanggunian Bayan ng Angono.

Ayon kay Konsehal Arling Villamayor, noong una’y ipinaguhit niya sa mga bakod na pader sa mga pintor na taga-Angono ang mga mural at likhangsin­ing ni Botong Francisco. Makulay at maganda ang pagkaka-drawing. Ngunit hindi nagtagal, nasira ito ng ulan at ng mainit na sikat ng araw.

Dahil dito, ang mga likhang-sining ni Botong Francisco ay ginawang replica o relief sculpture. Ginawa ito ng pintorisku­ltor na si Charlie Anorico. Nagawa ang relief sculpture sa tulong at suporta nina dating Rizal Gov. Casimiro “Ito” Ynares, Jr. at Rizal Congressma­n Bibit Duavit.

Mula sa bukana ng Sitio Balite sa Bgy. Poblacion Itaas, makatawag-pansin ang busto (mukha hanggang leeg) ng dalawang National Artist na sina Botong Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro. Nakapatong sa bakod na pader na nakasulat ang pagkilala sa kanila ng pamahalaan bilang mga National Artist sa visual arts at sa musika.

Sa mga bakod na pader ng mga bahay sa Bgy. Poblacion Itaas, makatawag-pansin din ang mga relief sculpture ng mga mural at likhangsin­ing ni Botong Francisco. Pinintahan ng magkahalon­g gold at dilaw. Mababanggi­t na halimbawa ang mural ng “Bayanihan”, “Pista ni San Clemente”, “Martyrdom ni Dr. Jose Rizal”, “History of Philippine Medicine” at iba pang likhang-sining ni Botong Francisco. At sa dulo ng Bgy. Poblacion Itaas, makikita sa bakod na pader ni Ms. Irene Floriza, isang retired public school teacher, ang mga nota at titik ng awit at tugtuging “Sa Ugoy ng Duyan” nina Maestro Lucio D. San Pedro at Levi Celerio.

Sa bakod na pader naman ng simbahan ng Angono, makikita ang relief sculpture ng mural ni Botong Francisco na “History of Manila” na kilala sa tawag na “The Filipino Struggles Through History” na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila. Ang mural na ito ni Botong Francisco ay ipinahayag noong Abril 8, 1996 ng National Museum bilang “National Cultural Treasure”.

Ang relief sculpture ay ginawa naman ng pintor-iskultor na tagaAngono na si Alex Villaluz. Proyekto ito ng Bgy. Poblacion Itaas at ng mga Liga ng Barangay sa Angono, at sa pakikipagt­ulungan nina Angono Mayor Gerry Calderon at Governor Casimiro “Ito” Ynares, Jr.

Dinarayo na ngayon ng mga magaaral sa Metro Manila at ng ibang mga lalawigan at maging ng mga lokal at dayuhang turista at isa nang tourist destinatio­n sa Angono ang mga relief sculpture ng mga mural at likhangsin­ing ni Botong Francisco.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines