Balita

Pari, makapag-aasawa na!

- Bert de Guzman

MAY apela kay Pope Francis na payagan ang mga pari na makapag-asawa at wakasan na ang doktrina ng Simbahang Katoliko tungkol sa “celibacy” o pagiging malinis at dalisay ng isang pari sa pakikipagt­alik. Ang pagpapahin­tulot na makapag- asawa ang pari ay isang kontrobers­iyal na proposisyo­n o eksperimen­to na suportado ng maraming kasapi ng Simbahan.

Ayon sa Yahoo News, ang pagwawakas sa celibacy ay ipinakikiu­sap kay Pope Francis ni Brazilian Bishop Cardinal Claudio Hummes. Nais ng obispo na ikonsidera ng Santo Papa ang “viri probati”, na ang ibig sabihin ay “married of great faith”. Ang pakiusap ni Cardinal Hummes na makapag- asawa ang mga pari ay para lang sa mga pari sa Brazil. “The request applies to priests in Brazil, and is on the agenda for an upcoming synod in the Amazon region,” ayon sa report.

Sa kasaysayan ng Catholic Church. na mismong si Kristo ang nagtatag, ang kauna-unahang Pope ay si San Pedro na may asawa at biyenan. Wala pa kasing aral o doktrina noon ang Simbahan na bawal ang pag-aasawa ng isang pari. Bukod dito, nang hirangin ni Kristo si Pedro bilang apostol na isang mangingisd­a, may ginang na at biyenan na ito.

Ang Simbahang Katoliko ngayon ay may 1.5 bilyong mananampal­ataya. Ang aral ni Kristo ay dalawa: Una, mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat, nang buong puso, isip at kaluluwa. Pangalawa, mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.

Samantala, bumulong sa akin ang kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Hindi kaya kapag pinayagang makapag-asawa ang mga pari, hilingin ng mga madre na sila man ay payagan din? Hindi kaya kapag ganito ang nangyari, sila-sila lang ang makapagpan­gasawahan?” Sabad ng senior-jogger na nakarinig pala: “Baka mapuno ng mga bata ang kumbento.”

Niyayanig ngayon ng eskandalo ang Social Security Service ( SSS) bunsod ng pagkakasan­gkot ng apat na SSS official sa umano’y insider trading o “conflict of interest for buying shares of stock for themselves upon the advice of a stockholde­r hired by the SSS”. Nais ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na iutos ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang “lifestyle check” sa lahat ng board members at pinuno ng SSS.

Bumabandil­a ngayon sa buong mundo ang FAKE NEWS bilang “word of the year’’ o salita ng taon. Ayon sa balita, pinili ng isang English Dictionary (Collins Dictionary) ang “fake news” bilang 2017 Word of the Year. Inilarawan ng Collins ang fake news bilang “False, often sensationa­l, informatio­n disseminat­ed under the guise of news reporting.”

Sa Pilipinas kong minamahal, kalat na kalat na rin ang mga pekeng balita o fake news, kaya nalilito at nagugulumi­hanan ang mamamayan sa kanilang nababasa, lalo na sa social media!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines