Balita

Libro ni Ogie Diaz, ilulunsad sa Sabado

- Ni REGGEE BONOAN

NAUMPISAHA­N na naming basahin ang librong Pak! Humor (Life is Short. ‘Wag Kang Nega) na sinulat ni Ogie Diaz. Ayon kay Ogie, 2011 nang simulan niyang sulatin ang libro na inilimbag ng ABS-CBN Publishing nitong nakaraang Agosto at nag-order na ang National Book Store ng 6,000 kopya na naka-display na simula noong Oktubre 21.

As of October 29, may bumili na ng 1,000 kopya.

Sa Sabado, Nobyembre 11 ang book launching/autograph signing sa National Bookstore, Trinoma Mall, Quezon City pero inunahan na sila ni Wilson Lee

Flores, may-ari ng Kamuning Bakery sa Scout Ybardolaza, Kamuning, Quezon City na nagpatawag ng ilang entertainm­ent media bilang suporta sa manager kay Ogie.

Ang ilang sinulat ni Ogie sa Pak! Humor na napasadaha­n namin ay makailang beses na naming narinig sa mga kuwento niya sa personal at sa mga post niya sa Facebook pero natatawa pa rin kami habang nagbabasa.

Gusto naming i-share sa mambabasa ang mga pinag-usapan sa presscon para sa libro na wala kaming ginawa kundi tumawa sa mga sagot ni Ogie sa Q and A.

Seryosong tanong ni Wilson si Ogie, anong klaseng tao ang alaga niyang si Liza Soberano sa likod ng kamera.

“’Pag wala sa kamera, wala siyang make-up,” seryoso ring sagot ng manager ng aktres at saka tumawa kasi nga ang ugali siyempre ng sikat na alaga ang itinatanon­g ni Wilson. “Malaking bagay sa akin si Liza, ‘yan ang aaminin ko kaya sobra akong thankful kay Liza,” dugtong ni Ogie.

Klinaro niya na hindi siya ang nakadiskub­re sa aktres kundi si Dudu Unay at ipinasa lang sa kanya para i-manage. Tinanong din ang bagong author tungkol kay

Xander Ford alyas Marlou Arizala at kung nasaan na ngayon ang binata.

Simula kasi nang maglabasan mga pinagsasab­i nito tungkol sa mga artista ng ABS-CBN ay hindi na nasundan ang guesting nito sa Rated K at Home

Sweetie Home bukod pa sa hindi na nga rin iniere ang interbyu sa kanya sa Gandang Gabi Vice.

Nabanggit ng isa sa mga bisita sa soft launching ng Pak! Humor sa Kamuning Bakery na si Jojo Alejar na si Ogie ang unang nakapansin kay Marlou bago ito naging Xander Ford.

“’Yan ang sinasabi ko bilang manager na mahirap kapag produkto ka lang ng social media,” sabi ni Ogie. “Sana may talent din, hindi ‘yung puro pa-cute lang. Nakakapago­d din magpa-cute. Iba ‘yung cute sa nagpapa-cute. Bilang manager ang masasabi ko, sana maging mabait siya.”

Pinayuhan ni Ogie si Xander sa pamamagita­n ng post sa Facebook tungkol sa mga pinaggagaw­a nito simula nang magpalit ng anyo at umingay ang pangalan. Hindi marahil ito nagustuhan ng manager ng huli kaya nakikipag-meeting sa kanya.

“Sabi sa akin nu’ng manager niya, ‘Uy tama na Ogs, siguro naman natuto na si Xander, blah-blah. Baka puwede ka naming i-meet?’ Sabi ko, ‘Eh, di sige, okay lang naman ako para mapangaral­an ko rin ‘yung bata in person’. ‘Tapos sabi nila, “Wednesday gabi, ‘tapos Wednesday na, naghihinta­y na ako. Alangan namang ako ang mag-follow-up, hindi naman ako ang may kailangan. Dedma na hindi na ako finallow-up, siguro kaya na nila.”

Pero ngayon ay wala nang masyadong balita sa kay Xander Ford, kuwento ng talent manager/ actor/TV and radio host.

Tinanong si Ogie ni Wilson kung ano pa ang mga gusto niyang makamit sa buhay.

“Wala na, lahat nadaanan ko na, naging reporter ako, editor ( Teenstars magazine), nagsimula akong proofreade­r (sa Mariposa Publishing) , alalay kay Cristy Fermin, ‘tapos nagre-rewrite rin ako ng mga artikulo at isa nga rito ay nandirito ‘yung writer na nire-rewrite ko ‘yung article (tawanan). Tingnan natin kung sino ang magrereact,” seryosong sabi ni Ogie pero alam naming biro lang niya iyon.

Bakit nga ba sinulat ni Ogie ang Pak! Humor? Kinomisyon ba siya ng ABS-CBN Publishing?

“Ay, ako ang lumapit sa ABS- CBN Publishing, prangkahan na ito. Inilapit ko at na-excite sila. Siguro kahit paano mayroon din akong napatunaya­n sa industriya kaya sila nagtiwala kaagad at kahit hindi pa nila nakikita ‘yung aking mga sinulat. So, nu’ng nakita na nila ang mga sinulat ko, na-excite sila dahil kakaiba raw, so nag-meeting kami hanggang sa mabuo na itong libro,” saad ni Ogie.

Mabilis ang proseso, “Eh, kasi wala naman akong ghostwrite­r, ako mismo ang sumulat,” makahuluga­ng sabi niya.

Kaya pilit tuloy siyang tinanong kung sino sa mga personalid­ad ng ABS-CBN ang may libro na may ghostwrite­r.

“Meron naman talagang iba na hindi sila ‘yung sumulat, pero sila ‘yung nagkukuwen­to at meron na lang nagsusulat, siyempre hindi naman lahat kayang magsulat ng ganito, pero ‘yung iba pinapayaga­n nila kasi kung paano mo ikuwento kailangan naririnig nila habang binabasa mo.

“Ako kasi, ako mismo ang sumulat. Marami pa akong ilalabas, actually, inaayos ko na ‘yung pangalawa. Ako’y tuwang- tuwa kasi very supportive ang ABS-CBN Publishing.”

Sinulat niya ang Pak! Humor para bigyan ng inspirasyo­n ang mga taong nagsisikap.

Open book ang buhay ni Ogie na mag-isang itinataguy­od ang pamilya simula sa pagtitinda ng banana que sa may GMA-7 hanggang sa pinuntahan niya ang iniidolong si Tita Cristy at humingi ng tulong na gawin din siyang reporter.

Ang konting emote ni Ogie sa umpisa ng libro, “Bahala na si Batman kung magugustuh­an mo itong libro ko. Kung may pakialam ka ba sa buhay ko o sa encounters ko sa ibang tao at pakikipags­apalaran sa buhay. Ewan ko rin kung may interes ka o curious kang kalkalin ang talambuhay ko.

“Hindi naman ako sikat. Wala naman akong hukbong sandatahan­g lakas ng mga tagahanga para magkaisang bumili ng librong ito para tumaas ang sales at maging bestseller. All I HAVE ARE FRIENDS.

“Oo, mga friends na kaya kong ‘holdapin’ para bumili nitong libro. Hindi isang piraso lang kundi maramihan, ‘yung kayang mag-bulk order.”

“But honestly, gusto ko lang i-share sa inyo ang buhay kong punumpuno ng struggles, pero mas maraming saya kesa lungkot, mas maraming ginhawa kaysa hirap, mas maraming solusyon kesa pagsuko, mas maraming pagbangon kesa pagdapa, at mas maraming halakhak kesa emote.”

Nagkakahal­aga ng P185 ang mahigit na 200 pahinang Pak! Humor at ang parte ng kita nito ay mapupunta sa tinutulung­an niyang breast cancer patients ng Philippine Foundation for Breast Care Inc. o Kasuso Foundation sa East Avenue Medical Center in Quezon City. Isa si Ogie sa board of trustees nito.

“Sana maka-inspire sa mga tao ang libro ko. Gusto ko chill-chill lang. Positivity in life ang lagi kong pino-post sa Facebook dahil gusto ko masaya ang mood ng mga tao. Kasi nga, every gising is a blessing,” say ni Ogie

Sa totoo lang, hindi lang itong Kasuso foundation ang tinutulung­an ni Ogie pero ayaw na niya itong ikuwento. Ibinahagi rin niya na kung may kasamahan siya sa panulat na nangangail­angan ng tulong ay bukas ang pintuan niya.

Dumami pa sana ang tulad mo, Ogie Diaz!

 ??  ?? Ogie
Ogie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines