Balita

CityMall cinemas, sunud-sunod ang opening

- –Reggee Bonoan

INILUNSAD ang CityMall Cinema sa Imus, Cavite noong Setyembre 1 na dinaluhan nina KZ Tandingan, Moira de la Torre, Kaye Cal, Michael Pangilinan, Klarisse de Guzman at ang mga bida ng Love You to the Stars and Back na sina Joshua Garcia at Julia Barretto na kasalukuya­ng palabas noon.

Sumunod ang CityMall Cinema Consolacio­n Cebu noong Setyembre 29 na dinaluhan ni Piolo Pascual, isa sa mga bida ng Last Night na palabas din noon, Citymall Tagum Davao noong Oktubre 20, at pangapat ang Citymall Sta. Rosa, Nueva Ecija nitong Nobyembre 3 na sina Christian Bables at Kakai Bautista naman ang bisita para sa pelikulang The Ghost Bride na kasalukuya­ng palabas ngayon at dinaluhan din ng local government unit ng bayan sa pangunguna nina Mayor Marita Angeles, Vice Mayor

Boyet Angeles at CityMall head for Corporate Affairs Jonathan Umali.

Nakikipagp­agtulungan ang ABS-CBN at Star Cinema sa community mall developer na CityMall Commercial Centers para mapanood ang lahat ng pelikulang produced nila sa mga probinsiya sa mas mababang halaga.

Ayon sa presidente ng ABS-CBN na si Ginoong Carlo Katigbak during the contract signing, “In our partnershi­p with CityMall, I’m happy to say that our movies will now be made available in areas where they weren’t available before.

Si Ms. Malou Santos ang nag-suggest na ibaba ang presyo ng bayad sa sine na P150 kumpara sa Metro Manila at iba pang malls sa probinsiya na nagkakahal­aga ng P280.

“Para provincial rate raw, “sabi sa amin ni Ms. Elena Ranon-Mercado, head publicity officer ng CityMall.

Malaking kabawasan naman talaga ang P130 dahil puwede na itong pambili ng meryenda habang nanonood ng sine sa alinmang sangay ng Citymall Cinemas sa buong Pilipinas.

Samantala, umaasang magiging operationa­l ang 100 CityMall cinemas sa 2020.

Ang mga susunod na CityMall cinema na ilulunsad bago matapos ang 2017 ay ang CityMall Cinema Dumaguete, Nobyembre 17; CityMall Cinema Mandalagan and CityMall Victorias, Disyembre 1 at CityMall Cinema Boracay, Disyembre 15. Sakto naman dahil ayon kay Mico del

Rosario, publicity manager ng Star Cinema ay may pelikula silang ipalalabas lingguling­go tulad ng action movie ni Stephen Yeun ( Walking Dead star) na Mayhem sa Nobyembre 8, Fallback sa Nobyembre 15 at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines