Balita

Vaness del Moral at non-showbiz BF, magpapakas­al na sa Pebrero

- Ni NORA CALDERON

PAGKATAPOS pumirma ng panibagong six- year exclusive contract si Vaness

del Moral sa GMA Artist Center at GMA Network ay nag- post niya sa Instagram ng, “Marami-rami pa tayong pagsasamah­an mga Kapuso!”

Isa si Vaness sa mga sumisikat na young character actress ngayon, pawang supporting roles ang ginampanan niya pagkatapos sumali sa third batch ng

Starstruck. Pero nang tanungin after her renewal of contract kung ano ang roles na gusto niyang gampanan ngayon, character roles pa rin ang pinili niya.

“Marami ka kasing paghuhugut­an ng acting kapag kontrabida ka,” sabi ni Vaness. “Saka kahit naman kontabida ang role mo, p’wede ka pa rin namang bumait. Tulad dito sa Impostora with Kris Bernal, nagsimula akong mataray dahil hindi ko matanggap na ang pangit na si Nimfa (Kris) ay nagustuhan ng type kong guy na si Eric ( James Blanco). Then sa turn of events, gumanda na si Nimfa at napasok ako sa mansion nila, bumait na ako sa kanya, naging bes kaming dalawa. Hanggang ngayon mabait pa rin ako at bes pa rin kami Nimfa, at ako ang ginawa nilang nurse ni Rosette (Kris) dahil naka-house arrest siya habang buntis kaya siya naman ang inaawayawa­y ko. Pero nagkabalik­an kami ni Eric, ewan ko lang kung magiging mabait pa rin ako kay Nimfa dahil napanood na ninyo na mas type pa rin ni Eric si Nimfa.”

Thankful si Vaness na ilang beses nang nai- extend at nananatili­ng mataas ang rating ng kanilang afternoon prime drama. Sa latest na pasabi sa kanila ng management, hanggang January 2018 pa ang serye nila. Kaya pabirong sabi niya, masaya para makaipon siya.

Nang tanungin namin kung sila pa rin ng non- showbiz boyfriend niya for three years na si Matt Kier, hindi naman nagkaila si Vaness na may balak na silang magpakasal, sabay pakita ng kanyang black diamond engagement ring na may two white diamonds sa magkabilan­g gilid.

“Kababata ko rin si Matt sa amin sa Baguio, pero hindi naman naging kami lalo pa at pumasok na nga ako sa showbiz. Sinorpresa niya ako noong 29th birthday ko last May 23 na nagpunta kami sa Coron, Palawan, nang bago kami bumaba sa dinner na bigay niya sa akin with our friends, sa room ko, nag-propose na siya, kami lang dalawa, walang video. Alam daw niya kasing mahihiya ako na maraming tao at iiyak ako. Pero umiyak ako, tears of joy at sumagot agad ako ng ‘yes.’

“Next year na kami pakakasal, sa February 18, 2018, sa amin sa Baguio. Iyon kasi ang pinakamala­mig na time sa Baguio. Garden wedding kami pero kasama lang namin ang both family namin. Pero bago ang wedding namin, may wedding party na kami rito sa Manila para sa mga friends namin in and out of showbiz.”

Maghahanda muna sila ng sarili nilang bahay at kung ready na sila saka sila magkakaana­k. Dalawa ang anak na boys ang gusto nila.

Ang Impostora ay napapanood araw-araw, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

 ??  ?? Vaness
Vaness

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines