Balita

Julia Roberts, sasabak sa telebisyon

- Cover Media

TINAWAG ni Julia Roberts na “a total experiment” ang una niyang pagsabak sa television series, dahil wala siyang ideya kung paano umarte sa small screen.

Gaganap ang Pretty Woman star sa upcoming psychologi­cal thriller na Homecoming bilang empleyado ng isang secret government facility na tumutulong sa mga sundalo upang muling makihalubi­lo sa lipunan pagkatapos ng pagsisilbi sa ibayong dagat.

Ang bagong palabas, nakatakdan­g simulan ang shooting sa unang bahagi ng 2018, ay inspired ng fictional podcast ng Gimlet Media na may kaparehong titulo, na inilunsad noong 2016, at ididirehe at ipoprodyus ng Mr.

Robot creator na si Sam Esmail. Inamin ni Julia na ang magandang materyales ng show ang nag-udyok sa kanya para magdesisyo­n na lumipat sa telebisyon mula sa Hollywood movies.

“(Listening to the podcast), you never know what’s happening, really, and I love that,” aniya sa InStyle magazine, bago pinuri ang storytelli­ng opportunit­ies na kasalukuya­ng iniaalok ng TV industry.

“I don’t want to go against my peoples, but it sort of is (the most exciting medium right now),” patuloy niya. “There’s a lot of really good content and a lot of diversity.”

Sa kabila ng excitement sa bagong paghamon, may mga pag- aalinlanga­n pa rin ang Oscar winner kung paano siya mag- a- adapt sa pagtatraba­ho sa small screen, kung saan namamayagp­ag kamakailan ang mga kasamahan niyang kinabibila­ngan nina

Nicole Kidman, Reese Witherspoo­n, at Matthew McConaughe­y.

“( Homecoming is) a total experiment...,” kumpisal niya. “I don’t even know what it really requires. I just know how to watch a TV show. I don’t know how to make one.”

 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines