Liam Hemsworth at Miley Cyrus, ‘six months’ nang kasal?
UMINIT ang mga espekulasyon na kasal na sina Miley Cyrus at Liam
Hemsworth nang maispatan silang nakasuot ng magkaparehong singsing nang bumisita sa Georgia, United States.
Iniulat naman ng NW magazine na totoong nagpakasal na nga sila anim na buwan na ang nakalipas sa kanilang bahay sa Malibu.
Sinabi diumano ng isang insider sa magazie na sina Liam, 27, at Miley, 24, ay ikinasal “six months ago, way back in late April.”
“It was a very intimate ceremony at their house in Malibu. I’m told only a handful of people were there and they’re still the only ones who know,” sabi ng source na hindi pinangalanan.
Ayon pa dito: “Miley and Liam haven’t really been making it public knowledge and don’t plan to anytime soon.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang couple, nagkakilala sa set ng pelikulang
The Last Song noong 2009, ay nagbunsod ng mga espekulasyon na kasal na sila.
Isang source na malapit kina Liam at Miley ang diumano’y nagsabi sa OK! magazine kamakailan lamang na: “Miley is absolutely over the moon since she and Liam took the plunge and exchanged vows.
“Words cannot describe how much love they have for each other and they know they want to spend the rest of their lives together.” Nitong nakaraang linggo lamang ay nakita si Liam, nakababatang kapatid ni Chris Hemsworth, na nakasuot ng wedding band, na dati na ring nakunan ng larawang suot-suot niya. Nakita rin si Miley na nakasuot ng 3.5-carat Neil Lane engagement ring at isa pang singsing sa ibabaw nito. Napansin ang amorous outing nand sabihin ni Miley sa pahayagang The Sun ng UK na hindi pa siya handang maging misis. “I don’t envision marriage. I’m 24. I hope I get to live a little bit more. I have too much living to do (before I get married).” Naing engaged sina Miley at Liam noong 2012, ngunit naghiwalay pagkaraan ng isang taon. Nagkabalikan sila noong Enero 2016 at itinuloy ang kanilang engagement. Nang mga panahong iyon ay nagsalita si Miley tungkol sa paghihiwalay nila, sinabi sa Billboard na: “I needed to change so much. And changing with someone else not changing like that is too hard. “Suddenly you’re like, ‘ I don’t recognise you anymore’. We had to re-fall for each other,” paliwanag niya.