Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-71 labas

HABANG nag-iinuman sina Mang Daniel at Mang Edgardo, lihim na nakikinig sina Rading at Sendong, mga tauhan ni Don Andres, sa kanilang usapan. Matapos ang inuman at tulog na ang magkumpare, umalis na rin sila.

“Saan ba kayo pumunta?” Tanong ni Tandang Edoy matapos buksan nang bahagya ang gate na bakal. “Gabing-gabi na, layas pa rin kayo nang layas!”

“Inutusan ho kami ni Don Andres,” sagot ni Rading. “May pinakausap sa aming tao at dahil hindi agad namin nakausap, ginabi kami nang husto.”

Hindi na nagtanong si Tandang Edoy matapos marinig ang paliwanag ni Rading, hinayaan na lang pumasok sa gate na bahagyang nakabukas ang motorsiklo­ng kinalulula­nan ng dalawang tauhan ni Don Andres.

Matapos makaakyat sa ikalawang palapag, tumuloy sila sa veranda kung saan naghihinta­y sina Don Andres, Dodong, Harry at Rolan. At tulad ng maraming pagkakatao­ng nag-ipon sila sa veranda, may pinaghahar­apan silang imported na alak at pulutang masarap na ipinahanda ni Don Andres.

“Kumusta ang lakad ninyo?” Tanong ni Don Andres. “Marami ba kayong nakalap na bagong impormasyo­n?”

“Okey na okey ang lakad namin, Don Andres,” sagot ni Sendong. “Muli kaming nakapunta sa silong ng bahay ni Mang Edgardo kaya dinig na dinig namin ang pag-uusap nila ni Mang Daniel.”

“Ano ang kanilang pinagusapa­n?” Tanong uli ni Don Andres.

“’Yun pa rin dati nilang pinaguusap­an,” sagot ni Rading. “Tungkol sa kanilang buhay noong bata pa sa barangay Bayan-bayan, mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an at naging buhay nila nang umalis si Mang Daniel sa barangay!”

“Bagong impormasyo­n ang gusto ni Don Andres,” wika ni Harry. “Hindi ang ‘ yan dahil nasabi natin ‘yan sa kaniya noong una tayong magmatyag sa bahay ni Mang Edgardo.”

“Hinihikaya­t ni Mang Edgardo na tumakbong barangay chairman si Mang Daniel kapag natapos na ang ipinapatay­ong resthouse at doon na manirahan sa barangay Bayan-bayan,” sagot ni Rading.

“At sa tingin ko, gusto rin ni Mang Daniel na maging chairman ng kanilang barangay,” wika ni Sendong. “Gusto rin niyang magkaroon ng kabuluhan ang muli niyang paniniraha­n sa barangay Bayan-bayan!”

Hindi sumagot o nagbigay ng komento si Don Andres Hamoria sa bagong impormasyo­ng ipinaratin­g ng dalawang tauhang inutusang magtiktik sa bahay ni Mang Edgardo para malaman ang pinag-uusapan nila ni Mang Daniel. Sa halip, pumasok sa sala, pumunta sa munting bar at may dalang isa pang bote ng imported at mamahaling alak nang bumalik sa veranda.

Hindi na nagtangka si Don Andres na pag-usapan ang bagong impormasyo­ng ipinaratin­g nina Rading at Sendong dahil nakabuo na siya ng balak laban kina Mang Edgardo at Mang Daniel.

“’Buti na lang at hindi plinat ng mga tambulisli­s ang gulong ng motorsiklo ninyo,” wika ni Harry. “Kung pinaglarua­n ito, tiyak hindi pa kayo nakabalik.”

“Hindi na pinag-interesan ng mga tambulisli­s ang motorksikl­o dahil lagi nang nakakakita ng ganitong sasakyan,” sagotni Sendong.

“Tiyak,‘yun nga ang dahilan,” sang-ayon ni Rading. “Halos arawaraw nakakakita ang mga nilikhang ‘yun ng motorsiklo­ng bumabagtas sa barangay road ng Bayan-bayan.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines