Balita

Flanagan, wagi sa NY Marathon

-

NEW YORK ( AP) — Posibleng huling pagtatangk­a ito ni Shalane Flanagan sa New York Marathon. Nakatuon ang kanyang isipan kung sinong running star ang makakasaba­y sa finish line. Ang kanyang pamilya at malapit na kaibigan na si Meb.

Sa kauna-unahang pagkakatao­n sa matikas na career, nakamit ni Flanagan ang tanging major marathon title nang agawan ng korona si Mary Keitany nitong Linggo (Lunes sa Manila) at tanghaling unang American na nagwagi ng New York marathon title mula noong 1977.

Ang makasaysay­ang tagumpay ni Flanagan ay naganap sa huling takbo ng kaibigan at itinuturin­g American great na si Meb Keflezighi. Natapos ng 42-anyos na si Keflezighi ang karera -- ika- 26 NY race – sa ika- 11 puwesto at sa sobrang hirap ay kumulapso ito sa pagtawid sa finish line.

Halos limang minuto ang layo niya sa bagong kampeon na si Geoffrey Kamworor, 24, mula sa Kenya. Naungusan niya ang kababayang si Wilson Kipsang ng tatlong segundo para sa kauna-unahang major victory. Naitala ni Kamworor ang tyempong dalawang oras, 10 minuto at 52 segundo. “I was thinking of Meb, and I was thinking of how I wanted to make him proud,” pahayag ng four-time Olympian na si Flanagan.

“It’s been a tough week for New Yorkers, and a tough week for our nation,” sambit ni Flanagan,patungkol sa naganap na bombing sa 2013 Boston Marathon na naging dahilan sa paghihigpi­t ng seguridad sa karera sa nakalipas na mga taon.

Nakuha ni Flanagan ang panalo sa tiyempong dalawang oras, 26 minuto at 53 segundo, isang minuto na mas mabilis sa three-time champion na si Keitany at third-place finisher Mamitu Daska ng Ethiopia.

Ang huling babaeng American na nagwagi sa New York marathon ay si Miki Gorman, nagtala ng back-to-back title (1976-77).

 ??  ?? PROUD PINAY! Kabilang ang media practition­er na si Angie Limbaco sa masuwerten­g Pinay marathoner na nakatawid sa finish line sa mapaghamon at prestihiyo­song New York Marathon nitong Linggo. Natapos niya ang 42K race sa kauna-unahang internatio­nal race...
PROUD PINAY! Kabilang ang media practition­er na si Angie Limbaco sa masuwerten­g Pinay marathoner na nakatawid sa finish line sa mapaghamon at prestihiyo­song New York Marathon nitong Linggo. Natapos niya ang 42K race sa kauna-unahang internatio­nal race...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines