Balita

SUMISIKAD!

Walong sunod na panalo sa Celtics; Cavs, olats uli

-

ORLANDO, Florida (AP) — Maaga pa ang labanan, ngunit may ibinibida na ang Boston Celtics sa mga karibal. Nailista ng Celtics, sa pangunguna ni Jaylen Brown na umiskor ng 18 puntos, ang ikawalong sunod na panalo sa 10 laro matapos gapiin ang Magic, 100- 88, nitong Linggo (Lunes sa Manila). Nag-ambag si Al Horford ng 14 puntos at 10 rebounds, habang nalimitaha­n si Kyrie Irving sa 12 puntos para sa Boston ( 8- 2) na kasalukuya­ng nangunguna sa Eastern Conference standings. Nanguna si Aaron Gordon sa Magic sa natipang 18 puntos. ROCKETS 137, JAZZ 110 Sa Houston, naitala ni James Harden ang career-high 56 puntos at tumipa ng 13 assists sa malaking panalo ng Rockets kontra Utah Jazz. Naitumpok ni Harden ang 19 of 25 sa field, kabilang ang perpektong 7-of-7 sa three-point area, habang nag-ambag sina Eric Gordon at Trevor Ariza ng 20 at 14 puntos, ayon a pagkakasun­od. Nanguna si Donovan Mitchell sa Utah na may 17 puntos. Kumana naman si Rudy Gobert sa limang Jazz na naka- double digit sa 13 puntos. KNICKS 108, PACERS 101 Sa New York, kumubra si Kristaps Porzingis ng career- high 40 puntos para sandigan ang come- from- behind win ng Knicks kontra Indiana Pacers.

Nagdagdag si Porzingis ng walong rebounds at anim na blocked shots para makumpleto ang isa pang dominanten­g laro. Ito ang ikapito sa siyam na laro ng Knicks na umiskor ang European star ng 30-plus points.

Nanguna sina Thaddeus Young at Victor Oladipo sa Pacers sa naugot na 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

HAWKS 117, CAVS 115 Sa Cleveland, pinutol ng Atlanta Hawks, sa pangunguna ni Dennis Schroeder sa natipang 28 puntos, ang eight-game losing streak nang maungusan ang Cavaliers.

Nagawang mahabol ng Cavs ang 16 puntos na abante ng Hawks sa second half mula sa dalawang sunod na baskets ni LeBron James may 21.3 segundo ang nalalabi.

Nagmintis si Hawks forward Isaiah Taylor sa dalawang free throw para makuha ng Cavs ang pagkakatao­n na makatabla may 12.1 segundo sa laro, ngunit nagmintis si Channing Frye sa three-point shot, gayundin ang tip-in ni Dwyne Wade sa buzzer.

Matapos umiskor ng 57 puntos sa panalo kontra Washington nitong Biyernes, kumana si James ng 26 puntos at 13 assists.

Sa iba pang laro, ginapi ng Minnesota Timberwolv­es ang Charlotte Hornets, 112-94; tinalo ng San Antonio Spurs ang Phoenix Suns, 112-95; nagwagi ang Washington Wizards sa Toronto Raptors, 107-96; at tinusta ng Miami Heat ang Los Angeles Clippers, 104-101.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines