Tyga, dinelete ang video nang umalma ni Emily Ratajkowski
BINURA ng rapper na si Tyga ang video clip para sa kanyang bagong kantang Tequila Kisses, sa kanyang Instagram account makaraang gumamit ng video ni Emily Ratajkowski na walang pahintulot ng model/actress. Ipinasilip ng Rack City hitmaker ang kanyang bagong promo sa isang social media post nitong Biyernes, nang ibinahagi niya ang black-andwhite footage ni Ratajkowski na inirarampa ang iba’t ibang outfits habang pinapatugtog ang bonus track mula sa kanyang Bugatti Raww mixtape, sa background.
Inakala ng fans na pumayag si Ratajkowski, na nagpakita ng suso sa
Robin Thicke’s raunchy Blurred Lines video para gamitin sa bagong kanta ni Tyga, ngunit mukhang hindi humingi ng pahintulot ang rapper bago ginamit ang footages sa Tequila Kisses post.
Nag-post siya sa Twitter nitong Sabado upang klaruhin ang usapin, at inaming luma na ang video.
“Fyi (for your information) not in tygas video he posted an edit using footage I did for a lookbook 4 + years ago and has since deleted it (sic),” aniya.
Nagkomento naman si Tyga sa pagtutol ni Ratajkowski, at sinabing hindi niya sinasadyang may masaktan.
“I used old footage of u (as a fan) that I thought matched the vibe of my song.. 4 the culture (sic),” tweet nito. “It’s no different than when n**gas hung pics on the wall (sic)..” Sinabi rin ng ex-boyfriend ni Kylie
Jenner na inalis na niya na ang original Instagram clip, dahil ayaw niyang magkaroon sila ng gusot ni Emily, na klinaro na wala itong kinalaman sa video.
“I deleted it cuz u was spamming my comments.. I don’t want no smoke @emrata (sic),” dagdag pa niya.