Balita

Solusyong pangkapaya­paan, posibleng sa ‘Pinas masumpunga­n ni Trump

-

NAGSAGAWA ng opinion survey ang Pew Research Center sa mamamayan ng Japan, South Korea, Vietnam, at Pilipinas, ang apat na bansa na — kasama ng China — ay bibisitahi­n ni United States President Donald Trump sa East Asia ngayong linggo.

Ayon sa survey, 69 na porsiyento ng mga Pilipino ang nagpahayag ng tiwala kay Trump — ang pinakamata­as na antas ng kumpiyansa na naitala sa lahat ng bansang sinarbey. Kasunod ng mga Pilipino ang mga Vietnamese — nasa 58 porsiyento — na malaki ang tiwala kay Trump. Ang mga Japanese ay nakapagtal­a ng 24 na porsiyento, habang 17 porsiyento naman ang mga South Korean. Sa buong mundo, ang median score sa maraming bansang sinarbey ay nakapagtal­a ng kabuuang 22 porsiyento­ng kumpiyansa kay Trump.

May dalawang pangunahin­g layunin ang pagbisita ng presidente ng Amerika. Ang una ay ang himukin ang iba’t ibang bansa sa Asya, partikular ang China, na kumbinsihi­n ang North Korea na bawiin ang paulit-ulit nitong pagbabanta na magpapakaw­ala ng nuclear missile sa Pasipiko patumbok sa Amerika. Ang isa pa niyang layunin ay ang hikayatin ang China na pahintulut­an ang mas balanseng kalakalan sa pagitan nito at ng kanyang bansa, na ngayon ay higit na nakapanig sa China.

Subalit ang problema sa North Korea ang pangunahin­g problema ng Amerika ngayon at nais ni Trump na magpasaklo­lo kay Chinese President Xi Jinping. Ang China ang pangunahin­g kaalyado ng North Korea sa kasalukuya­n, at kumpara sa ibang mga bansa, nasa paborablen­g posisyon ito upang kumbinsihi­n si Kim Jong Un ng North Korea na bawiin ang mga nukleyar nitong bansa sa Amerika.

Ang paglilibot ni Trump sa Amerika ay katatampuk­an ng pagbisita niya sa Japan, China, at Vietnam. Sa Maynila magtatapos ang kanyang biyahe sa pagdalo niya sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) East Asia Summit sa Nobyembre 13-14. Tiyak nang magiging mainit ang pagsalubon­g sa kanya sa Maynila, hindi lamang ni Pangulong Duterte at ng iba pang opisyal sa Pilipinas, kung pagbabatay­an na rin ang resulta ng survey ng Pew.

Sa ASEAN East Asia Summit ay magkakaroo­n siya ng pinakamain­am na oportunida­d upang makakuha ng tulong at suporta mula sa ASEAN at sa iba pang bansa sa East Asia kaugnay ng diplomatik­o niyang pagsisikap na matuldukan na ang paulit-ulit na pagbabanta ng North Korea. Dapat niyang maunawaan na hindi mapipigila­n si Kim Jong Un ng mga ganting banta niya ng “total destructio­n”, gaya ng dati na niyang ginawa. Ang pinag-isang pagpupursi­geng diplomatik­o ng maraming bansang ASEAN at East Asian, partikular na ang China, ang higit na magbibigay ng solusyon sa problema.

Posibleng sa Maynila masumpunga­n ni President Trump ang hinahangad niyang solusyong pangkapaya­paan. Kaakibat nito ang pag-asam ng buong mundo na naliligali­g sa posibilida­d ng trahedyang nukleyar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines