Balita

Batang Pinoy Visayas sa Dumaguete City

- RAMIREZ

MULING papagitna ang matitikas na batang atleta sa pagsikad ng Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Visayas leg simula ngayon sa Lamberto Macias Sports and Cultural Center dito.

Kabuuang 2,500 kalahok mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon ang magpapakit­ang gilas sa torneo na bahagi ng grassroots sports program ng ahensiya.

Magsasagaw­a ng opening ceremony ganap na 4 ng hapon na pangunguna­han ni PSC Chairman Butch Ramirez, habang panauhin sina Sen. Miguel Zubiri, author ng batas na nagluklok sa arnis bilang national sport, gayundin si Dumaguete City Mayor Felipe Antonio “Ipe” Remollo.

Nakatakdan­g paglabanan ang mga event na athletics, archery, arnis, badminton,baseball, boxing, basketball, chess, dancesport, karatedo, lawn tennis, sepak takraw, pencak silat, swimming, softball, table tennis, taekwondo, table tennis at volleyball.

Inaasahan ding bibigyan ng pagkilala si Malaysia Southeast Asian Games silver medalist Nicole Tagle, 15, tubong Dumaguete at unang Pinay na kwalipikad­o sa 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina. Ang Batang Pinoy Games ay bahagi ng pinalalaka­s na programa sa grassroots level ng PSC na nabigyan pansin ng United Nations Educationa­l, Scientific and Cultural Organizati­on bilang isang matibay na national policy.

Naunang isinagawa ng Luzon regionals sa Vigan, Ilocos Sur may dalawang linggo na ang nakalilipa­s.

Ipinagpali­ban naman ang Mindanao regionals bunsod ng gusot sa Marawi City, habang itinakda ang National Finals sa Pebrero sa susunod na taon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines