Balita

KONTRA PIRATA

4 na radar station vs nakawan, kidnapping sa Sulu, sasagutin ng Japan

-

TOKYO ( Reuters) – Magtatayo ang Japan ng apat na coast guard radar station sa mga isla sa Sulu Celebes Seas, na naghihiwal­ay sa Pilipinas at Indonesia, upang tulungan ang bansa kontra sa pagnanakaw at pagdukot ng mga pirata.

Ayon sa dalawang mapagkakat­iwalaang source, posibleng sa susunod na linggo ay lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang kasunduan sa pagpopondo sa mga pasilidad at pagkakaloo­b ng pagsasanay sa Philippine Coast Guard ( PCG) kaugnay ng nasabing hakbangin.

“The seas in that area are an important waterway for merchant ships traveling to Japanese ports,” sinabi ng isa sa mga taong sangkot sa pagbuo ng plano. Nakiusap ang mga source na huwag silang pangalanan dahil hindi siya awtorisado­ng magbigay ng pahayag sa media.

Sa 30 pambibikti­ma ng mga pirata sa unang anim na buwan ng 2017, anim ang ginamitan ng armas, at tatlo sa mga ito ang nangidnap ng mga tripulante sa Sulu Celebes Seas, ayon sa Regional Cooperatio­n Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery against Ships in Asia ( ReCAAP). Nakapagtal­a rin ng apat na tangkang kidnapping.

Ang pagpapatay­o ng Japan ng mga radar station ay gagamitan ng pondo mula sa Overseas Developmen­t Aid ( ODA) nito, ayon sa mga source.

“Japan is aware of the need to counter piracy in the region and is keen to help, but we can’t discuss individual projects,” sabi naman ng isang opisyal sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan, na nangangasi­wa sa paggastos ng ODA.

Sa Lunes bibiyahe si Prime Minister Abe patungo sa Pilipinas para dumalo sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings.

 ?? JANSEN ROMERO ?? MALAPIT NA! Inihilera ng obrero ang mga watawat ng iba’t ibang bansa bilang paghahanda sa 31st ASEAN Summit sa Clark, Pampanga kahapon. Pahina 2
JANSEN ROMERO MALAPIT NA! Inihilera ng obrero ang mga watawat ng iba’t ibang bansa bilang paghahanda sa 31st ASEAN Summit sa Clark, Pampanga kahapon. Pahina 2

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines