Balita

Panganib ng pagbabalik ng breast cancer kahit pa 15 taon nang nalunasan

-

MAAARI pa ring bumalik ang isang uri ng breast cancer sa isang babae kahit na 15 taon na ang nakalipas nang malunasan ito, ayon sa isang bagong pag-aaral. Sinuri ng mga mananaliks­ik mula sa pandaigdig­ang kolaborasy­on na Early Breast Cancer Trialists’ Collaborat­ive Group ang mga datos mula sa 88 clinical trial sa 62,923 babae na mayroong estrogen receptor-positive, o ER-positive na breast cancer.

Lahat ng pasyente ay sumailalim sa treatment at tumanggap ng tamoxifen at aromatase inhibitors sa loob ng limang taon, at ligtas na sa cancer nang itinigil ang gamutan.

Sa loob ng sumunod na 15 taon, gayunman, ilan sa kababaihan­g ito ang nabatid na kumalat ang cancer sa buo nilang katawan, 20 taon makalipas ang unang diagnosis, ayon sa pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine.

Pinakamala­ki ang panganib ng pag-ulit ng cancer para sa nagkaroon ng malalaking tumor at may cancer na kumalat sa apat o higit pang lymph nodes.

Ang mga babaeng ito ay mayroong 40 porsiyento ng panganib sa pagkakaroo­ng muli ng cancer sa susunod na 15 taon, ayon sa pag-aaral.

Ang kababaihan­g mayroong maliit at low-grade cancer na hindi kumalat sa lymph nodes ay mayroon namang mas mababang panganib, nasa 10 porsiyento, sa pag-ulit ng cancer sa susunod na 15 taon.

“It is remarkable that breast cancer can remain dormant for so long and then spread many years later with this risk remaining the same year after year,” ani Hongchao Pan, ang pangunahin­g awtor na mula sa University of Oxford.

Iminungkah­i ng bagong datos na ang kababaihan­g mayroong ER-positive breast cancer ay dapat na ikonsidera ang pagsailali­m sa anti-estrogen therapy sa loob ng limang taon, ayon sa mga mananaliks­ik.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines