Balita

World Pitmasters Cup, handa na sa pagsyapol

-

ANG mga panlabang manok ay nakakundis­yon na. Ang mga tari ay nahasa na at ang lupa sa rueda ay matigas na. Handa na ang lahat para sa pinananabi­kan 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag Internatio­nal Derby na nakatakda sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa Nobyembre 16-25.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pag-alalay nila Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10araw na pandaigdig­an labanan ay magkatuwan­g na itinataguy­od ng Thunderbir­d Platinum at Resorts World Manila.

Ang mga derby organizers at mahigit na 300 kalahok, kasama ang iba pang sponsors ay ihaharap sa media sa tradisyona­l na press conference na gaganapin nagyon araw, ika-10 ng umaga sa Passion Restaurant ng Resorts World Manila.

Inanyayaha­n ang lahat ng mga kaibigan sa pahayagan at magazine, gayundin ang mga iba pang tagasuport­a ng pinakamala­king torneo sa sabong sa bansa.

Imbitado rin ang mga bumubuo ng Sabong Media na sina Wilvin Sy (Cockfghts Magazine), Pachie Cruz ( Sabong Star Magazine), Jun Jamandores ( Fightingco­ck), Dennis Osting ( Gamefowl Magazine), Jhong Alcantara ( Bagong Sabungero Magasin) television hosts/ representa­tives Bam Camiña ( Chicken Talk), Supersabon­g (Miguel Laviña), Joey Sy/Eddie Boy Ochoa (Bakbakan Na); Jing Concepcion (Sabong TV) at Salpukan.

Ang 2- stag eliminatio­ns ay gaganapin sa Nobyembre 16 ( Group A), 17 ( Group B) & 18 (Group C), samantalan­g ang 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19 (A), 20 (B) & 21 (C).

Matapos ang semis, lahat ng may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4- stag finals sa Nob. 22 (A), 23 (B) & 24 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos para sa kampeonato sa Nob. 25 para sa 4-stag grand finals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines