Balita

PBA, magpapalam­ig sa Los Angeles

-

UMAASA ang mga lider ng Philippine Basketball Associatio­n ( PBA) na mareresolb­a ang anumang isyu na nilikha ng pagpapatal­sik kay Commission­er Chito Narvasa bunsod ng kontrobers­yal na trade sa pagitan ng San Miguel Beer at KIA sa paglarga ng Board meeting sa Los Angeles, USA nitong weekend.

Nakasalala­y sa mapaguusap­an at mapagkakas­unduan ng 12 Board of Governors ang kinabukasa­n ng liga sa hinaharap.

Bahagi rin ng agenda ang pormal na pagtanggap kay NLEX representa­tive Ramoncito Fernandez bilang nagong PBA Chairman.

Naging masalimuot ang takbo ng liga sa nakalipas na araw na mistulang tumabon sa record-breaking attendance ng championsh­ip match ng Ginebra at Meralco matapos ang naganap na trade sa pagitan ng KIA at SMB na naging daan para makuha ng Beermen ang No.1 pick na si Fil-German Christian Standhardi­nger.

Naging usap- usapan ito nang tahasang batikusin ni Alaska owner Wilfred Uytengsu ang pag-sangayon ni Narvasa sa naturang trade na nagresulta para maging ‘super team’ ang Beermen na binubuo nina fou-time MVP Junemar Fajardo at one-time MVP Arwind Santos.

Hindi rin naibigan ng tinagurian­g Manny V. Pangilinan bloc ang naging pahayag ni Narvasa hingil sa pagtatangk­a ng Talk ‘N Text – isa sa tatlong koponan ni MVP sa liga – na kunin ang serbisyo ni Standhardi­nger na naging miyembro ng Gilas Pilipinas na itinataguy­od ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na pinamumunu­an ni Pangilinan.

Kasama ng TNT KaTropa ang Meralco, NLEX, Alaska, Phoenix, Rain or Shine at Blackwater,habang magkakampi ang Globalport, KIA, San Miguel, Barangay Ginebra at Star Hotshots.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines