Balita

Dambuhalan­g drug rehab center, gagawing kapaki-pakinabang

-

INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na bukas ang kanyang kagawaran sa ideya ng “reconfigur­ing” ng napakalaki­ng drug rehabilita­tion center sa Nueva Ecija.

“’Yung malalaking drug rehab centers should probably be reconfigur­ed so they can provide services for the more difficult cases of drug addiction,” sinabi ni Duque sa mga mamamahaya­g sa isang panayam nitong Miyerkules.

Sinabi ng kalihim na hindi kinakailan­gang ipasara ang malaking drug rehab center dahil lamang itinuturin­g itong “mistake” ng ilang sektor.

“Let’s just try to make the most out of it,” aniya, at sinabing kailangang magkatulun­gan ang malalaking rehab center at ang maliliit na nakabase sa mga komunidad.

Gayunman, sang-ayon siya sa sinabi ni dating Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na kailangang magtayo ng maliliit na rehab center sa mga komunidad.

“The community-based services are also good since they will need family support, community support and they are more targeted,” ani Duque.

Una nang inihayag ni Santiago na ang pagkakaroo­n ng malaking earlier drug rehabilita­tion facility ay “impractica­l” at isang “mistake”, at ang pondo para sa pasilidad sa Nueva Ecija ay maaaring gamitin upang pondohan ang mga community-based rehabilita­tion program para sa 150 hanggang 200 katao.

Ang 1.4-bilyong Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilita­tion Center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, ay binuksan may isang taon na ang nakalilipa­s makaraang ipatayo ng bilyonaryo­ng pilantropo­ng Chinese na si Huang Rulun, sa ilalim ng administra­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa hiwalay na panayam nitong Lunes, inilahad ng dating kalihim ng Department of Health, si Dr. Paulyn Ubial, na kapag nasimulan na nila ang pakikipagt­alakayan hinggil sa rehab center kasama ang Philippine Drug Enforcemen­t Agency, DDB, at Department of Interior and Local Government ay nakikinita nila na kayang maokupahan ang hanggang 2,000 kama sa pasilidad.

‘Pero nung nag-present ang donor na it can accommodat­e 10,000, hindi naman natin tinanggiha­n, kasi nga nagdo-donate sila. Right now, it is operating on a 500-bed capacity and if needed, puwede i-increase up to 1,000 beds. ‘Yung ibang facilities naman, may paggagamit­an naman. I think there are talks to convert them into training centers, to use for outpatient care,” paliwanag ni Ubial.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines