Balita

MABUTING BALITA

-

Kar 6:12-16 ● Slm 63 ● 1 Tes 4:13-18 [o 4:13-14] ● Mt 25:1-13

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa.

“Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog.

“Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!’ Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang mga lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming mga lampara.’ Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.’

“Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.’” ‘Langis sa aking ilawan’

Inihalintu­lad ni Jesus ang huling araw sa isang maringal na kasalan. Malayo ito sa karaniwang malagim na larawang ipinapakit­a sa atin tungkol sa katapusan ng mundo. Ang lahat ay inaasahang maghintay at maghanda para sa masayang okasyong ito.

Tinatawag ang paghahanda­ng ito sa Matandang Tipan na “karunungan.” Sa Unang Pagbasa, hinihimok tayong pahalagaha­n at hanapin ang karunungan sapagkat ito’y maningning at hindi kumukupas. Ang karunungan ay naguudyok sa atin na manatiling tapat at matiyagang naghihinta­y sa pagdating ng Panginoon. Ang karunungan ay taliwas sa mga pabagu-bagong moda o uso sa kasalukuya­ng panahon. Ang karunungan ay pagiging tapat sa Diyos sa lahat ng panahon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines