Pitmasters (Masters Breeders) Cup syasyapol sa Newport Arts ng RWM
MULING papagitna ang pinakamatitikas na breeders tangan ang kanilang masisigasig na panlabang manok sa pagtirada ng 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby na nakatakda sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa Nobyembre 16-25.
Itinataguyod nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa, ang 10-araw na pandaigdigang labanan na magkatuwang ding sinuportahan ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.
Sa ginanap na media launching kahapon sa Passion Restaurant ng Resorts World, sinabi ni Gerry Ramos na mas magiging maaksiyon ang laban dahil sa paniniguro ng mga top breeders na isabak ang pinakamahuhusay nilang panlaban para mapigilan ang tangka ni Eugene Perez gamit ang mga palahi ni Pao Malvar, na makakuha ng back-toback title.
May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang pinanabikang labanan ito na naglalatag ng garantisadong premyo na P5 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.
Naunang nagkumpirma ng paglahok sina Anthony Lim, Bernardo Tuazon, Arman Santos, Atty. Cappuchino, Atty. Arcal Astorga, Bong Pineda, Capt. J. Abantao, Celso Bautista, Engr. Celso Salazar, Danny Lim, Engr. Jocob Lee, Felix Punzalan, Jr. & Ramon Montierro, Fidel “Boy” Villanueva, Jr/Mayor Leonofre Geronilla, Fiscal Villanueva, Frank Berin, Jayson Garces & Coun. Mark Calixto, Jervy Maglunob/ Noel Cosico; Joey delos Santos, Pitmasters2 winner Jojo Cruz, Many Garcia, Mayor Max Roxas, Mayor Amboy Manlapaz, Mayor Larry Alilio, Mayor Neil Lizares, Mayor Emeng Codilla, Nestor Vendivil, Patrick Antonio, Arnold dela Cruz, Ramon Mancenares, Tata Rey Briones, Toto Aurue Alas, Victor Sierra, Toto Gregore, Vernie Legaspi at iba pa.
Sasabak din ang mga 3-ulit na world champions na sina Dicky Lim & Rey Briones, Pitmasters1 winner Joey & Buboy delos Santos, Mayor Nene Aguilar, Marcu del Rosario, Kano & James Raya, Boy Lechon, Allan Syiaco, Butch Borja, EJohn Capinpin, Jun Bacolod, Magno Lim, Dennis de Asis, Steve Debulgado, Nap Laurente & Edwin Baccud, Nene Abello, Boy Velez, Nene Rojo, Dori Du, at Dr. Boy Tuazon.
Ang 2-stag eliminations ay gaganapin sa Nobyembre 16 (Group A), 17 (Group B) & 18 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19 (A), 20 (B) & 21 (C).
Matapos ang semis, lahat ng may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Nob. 22 (A), 23 (B) & 24 (C).
Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos para sa kampeonato sa Nob. 25 para sa 4-stag grand finals.