TV drama ni Ed Westwick, ipinatigil ng BBC bosses
IPINATIGIL ng BBC bosses ang TV drama na pagbibidahan sana ni Ed Westwick na inaakusahan ng dalawang babae ng panghahalay. Ngayong linggo, inakusahan nina Aurelie
Wynn at Kristina Cohen ang 30 taong gulang na Gossip Girl star ng panghahalay sa kanilang post sa Facebook. book.
Nakatakda sanang g gumanap si Westwick bilang si Mickey
Argyll sa Ordeal by Innocence, adaptation ng nobela ni Agatha
Christie na nakatakdang ang sanang umere sa U.K. sa Pasko, asko, pero iniurong ng BBC chiefs hiefs ang show sa nakatakdang g schedule nito.
Sa isang pahayag, ag, sinabi ng tagapagsalita ng BBC C sa WENN/ Cover Media na, “These are serious allegations ations which Ed Westwick k has strenuously denied. The BBC is not making any judgement but until these hese matters are resolved d we will not include Ordeal rdeal
by Innocence in the schedules.”
Bago naglabasan n ang mga alegasyon, sinu-shoot shoot ni Westwick ang isa pang programa sa BBC, , ang second season ng comedy medy show na White Gold. Inihayag ng tagapagsalita gsalita ng aktor na magpapahinga hinga muna ito sa shooting upang harapin ang mga alegasyon. “The independent production company making White Gold has informed us that Ed Westwick has paused from filming while he deals with these allegations,” sabi pa sa pahayag. Mariing itinanggi ni Westwick ang lahat ng mga akusasyon sa dalawang post niya sa kanyang social media pages. Sa pinakabagong post, aniya: “It is disheartening and sad to me that as a result of two unverified and probably untrue social media claims, there are some in this environment who could ever conclude that I have had anything to do with such vile and horrific conduct. I have absolutely not, and I am cooperating with the authorities so that they can clear my name as soon as possible.” Hinalay umano ni Westwick si Cohen at si Wynn habang natutulog sa bahay ng aktor. Nagsumite na ng file report si Cohen sa Los Angeles Police Department (L.A.P.D.) officers.