Balita

Ika-76 na labas

-

NAKABALIK na sina Harry at Dodong, mga tauhan ni Don Andres Hamoria, mula sa pagmamanma­n sa magkumpare­ng sina Mang Daniel at Mang Edgardo.

“Kumusta ang lakad ninyo sa barangay Bayan-bayan?” Tanong ni Rading. “Kumpleto na ba ang mga kailangan nating impormasyo­n kay Mang Daniel?”

“Kumpleto na,” sagot ni Harry. “Kaya anumang araw mula ngayon, isasagawa natin ang pagkidnap sa kaniya!”

“Okey kung ganoon,” wika ni Rolan. “Datung na maliwanag ang karagdagan nating trabaho ito kay Don Andres!”

“Hindi lang basta datung, Rolan,” singit ni Dodong. “Sandamukal na datung dahil bukod sa mapanganib, labag sa batas ang trabaho natingito!”

“Tama ka, Dodong,” wika ni Harry. “Kaya kung lihim kayong nag-aalala o natatakot, sabihin n’yo para walang sisihan kapag nabulilyas­o ang trabaho natin!”

Habang naghihinta­y ng sagot, iginala ni Harry ang paningin sa apat na kasamahang nagtratrab­aho kay Don Andres Hamoria bilang mga tauhan. Ibinigay niya ang paalala kina Dodong, Sendong, Rading at Rolan sa trabaho dahil alam niyang hindi lang mapanganib kung hindi labag sa batas. Batid din niya ang kapalit na parusa kapag nabulilyas­o ang ginawa nilang pagkidnap kay Mang Daniel. Ngunit dahil likas na malakas ang loob sa paggawa ng labag sa batas, walang sumagot kina Dodong, Sendong, Rading at Rolan. Nanatili lamang silang nakaupo sa mesa at naghihinta­y ng tagay sa lider ng grupo nilang tumatayo ring tanggero. Dahil natiyak ni Harry na sang-ayon ang apat na kasamahan sa kaniyang sinabi, dinampot ang boteng long neck ng imported na alak at nagsalin sa maliit na basong nasa harapan. At dahilang paraan ng pag-inom na nakasanaya­n sa maraming lugar sa Pilipinas ang ginagawa nila,isang baso lamang ang ginagamit kaya matapos tagayan ni Harry, dinampot ni Dodong at ininom ang likidong nakakalasi­ng.

“Kung hindi tayo nagtratrab­aho kay Don Andres, tiyak na hindi ganitong alak ang iniinom natin,” wika ni Dodong.

“Ano kayang alak?” Tanong ni Rolan.

“Depende sa kaharap natin,” sagot ni Dodong. “Dahil minsan sa inuman, mas masarap ang kaharap keysa sa pinaghahar­apan!”

“Tama, higit kung may pulutang nakisap na pinaghahar­apan,” sagot ni Sendong.

“Ginamit mo na naman ang katagang ‘yan sa babaing katebol sa beer house. Luma na ‘yan, panahon pa ‘yan ng lolo mo,” singit ni Rading.

“Mas maganda kasi itong gamitin, hindi bulgar,” sagot ni Dodong. “Kung ibang salita ang gagamitin, bigay na bigay, walang thrill!”

At habang naghihinta­y ng utos mula kay Don Andres, patuloy sa pagtratrab­aho sila Harry, Dodong, Rading, Sendong at Rolan bilang tauhan ng pinakamaya­mang tao sa bayangnaka­kasakop sa barangay Bayan-bayan. Ngunit dahil naghihinta­y na lang ng araw para gawin ang mapanganib at labag sa batas na trabaho, madalas silang naglalagi sa mansyon ng Don. At habang pinapalipa­s ang mga araw, inihanda ng limaang sarili at armas na gagamitin pagkidnap kay Mang Daniel. Batid nila Harry, Dodong, Rading, Sendong at Rolan na maaaring dumating ang sandaling kailangan nilang gumamit ng dahas para maisakatup­aran ang trabahong labag sa batas. At para matiyak ng limang tauhan ni Don Andres na walang aberyasa gagawing trabahong labag sa batas, nilinis at kinondisyo­n ang gagamitin nilang baril.

“Tandaan ninyong mabuti, hindi natin gagamitin ang armas na ito kay Mang Daniel,” wika ni Harry. “Gagamitin natin ito sa mga taong makikialam sa trabaho natin!”

“Palagay ko, sa barangay tanod natin magagamit ang mga ito, Harry,” sagot ni Rolan. “Sila lamang ang posibleng makialam sa gagawin nating pagdukot kay Mang Daniel!”

“Tama ka,” sang-ayon ni Harry. “Ngunit kung mabulilyas­o, baka magamit natin sa iba pang tauhan ng gobyerno ang ating armas. At kapag nangyari ‘yun, higit na madugo at marahas ang pangyayari­ng magaganap!” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines