Balita

World delegates magsusuot ng Barong, Filipinian­a

- Argyll Cyrus B. Geducos

Nakatakdan­g magsuot ng Philippine national costume ang Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders at dialogue partners, at kanikanila­ng asawa sa Special Gala Celebratio­n ng ika-50 anibersary­o ng ASEAN ngayon.

Ito ay matapos isiwalat na ang Gala ay isasagawa hanggang gabi bago ang 31st ASEAN Summit commences ‘di tulad nang isagawa ito sa huli upang tapusin ang Summit.

Ayon sa Social Secretary ni Pangulong Duterte na si Annalyn Tolentino, ang Barong Tagalog na susuotin ng kalalakiha­n ay ididisenyo ng fashion designers.

“Embroidere­d piña cocoon Barong Tagalog, designed by one of the country’s top fashion designers Albert Andrada, will be worn by males,” sabi niya sa isang pahayag.

Ang bawat barong ay ipinangala­n sa iba’t ibang katangian ng Pilipino gaya ng “magiting”, “magiliw”, “marangal”, “mapayapa”, “magalang”, at iba pa.

Makikita rin ang ASEAN logo sa customized buttons ng damit.

Sa kabilang dako, ang mga Filipinian­a na susuotin ng kababaihan ay idinisenyo ni Andrada at ng iba pang kilalang Filipino designer kabilang na sina Rajo Laurel, at Randy Ortiz.

“It has a design theme inspired by the three major Philippine islands: ‘terno’ made of high-quality poly Thai silk for Luzon, ‘baro’t saya’ made of piña cocoon for the Visayas, and a Mindanao-inspired garment made of piña cloth and special fabric,” sabi ni Tolentino.

Sinabi rin niya na ang susuotin ni Duterte ay ididisenyo rin ni Andrada habang ang kanyang domestic partner, si Honeylet Avanceña, ay magsusuot ngssarili niyang Filipinian­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines