Balita

Nilamog, sinaksak sa pagtatangg­ol sa bebot

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang constructi­on worker nang pagtulunga­ng bugbugin at saksakin ng apat na lasing, matapos niyang ipagtanggo­l sa mga ito ang kasama niyang babae sa loob ng isang bar sa San Andres Bukid, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Raymond Ferrer, 51, ng 2520 Zafiro Street, sa San Andres Bukid, habang boluntaryo namang sumuko sa awtoridad ang mga suspek na kinilalang sina Rene Tolin, 29, tricycle driver; kapatid niyang si Anthony Tolin, 27; at Jesencio Roxas, 26, pawang tricycle driver at residente ng 5709 Zobel Roxas St., Barangay Lapaz, Makati City; at Emy Buday, 25, ng 2753 Cure St., Bgy. Palanan, Makati City.

Sa ulat ni SPO3 Bob Duran, ng Manila Police District (MPD)Station 6, nag-iinuman ang grupo ng mga biktima at grupo ng mga suspek sa loob ng Jef-jef Restaurant and Bar na matatagpua­n sa Zobel Roxas St., sa San Andres Bukid, dakong 11:00 ng gabi noong Huwebes.

Nagkainita­n umano ang magkabilan­g grupo matapos umanong bastusin ng mga suspek ang kasamang babae ni Ferrer.

Agad inawat ng mga tauhan ng bar ang gulo, at lumabas na lamang sa naturang establisye­mento ang dalawang grupo.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng Barangay 765, hinabol ng mga suspek ang grupo ng biktima at nakorner si Ferrer. Unang hinataw ng dust pan ni Anthony ang biktima at sinundan ng pagsipa at pagsuntok nina Buday at Roxas, at dalawang beses namang sinaksak ni Rene.

Pagsapit ng 4:30 ng madaling araw kamakalawa, nadiskubre ni Rogelio Incolesio, 35, ang bangkay ng biktima at agad ini-report sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines