Balita

Isabel Lopez iimbestiga­han ng MMDA sa pagpapasaw­ay

LISENSYA POSIBLENG SUSPENDIHI­N

- Nina Anna Liza Alavaren at Bella Gamotea

Pinaiimbes­tigahan ng opisyal ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na nangangasi­wa sa traffic preparatio­ns para sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang hayagang pagsuway ng aktres na si Binibining Pilipinas Universe 1982 Maria Isabel Lopez sa ipinatutup­ad na traffic plan ng ahensiya sa EDSA.

Ayon kay Emmanuel Miro, head ng Task Force ASEAN ng MMDA, na ang papanaguti­n ng ahensiya si Lopez sa “misbehavio­ur” nito, at posibleng sampahan nila ng kaso ang aktres.

“The law must be applied to everyone, whether you are an ordinary Filipino or a public figure like Ms. Lopez,” sabi ni Miro.

Matatandaa­ng nag-post si Lopez ng litrato niya sa Instragram habang nagmamaneh­o nang naka-on ang hazards sa eksklusibo­ng ASEAN lane sa EDSA nitong weekend.

Sa nasabing post, ipinagmala­ki pa ni Lopez na tinanggal niya ang mga divider cone sa gilid ng nasabing lane—na mahigpit na ipinagbaba­wal sa mga motorista—para makadaan siya, at idinagdag na inakala marahil ng MMDA na delegado siya ng ASEAN. Ginaya naman siya ng iba pang mga motorista.

Ayon kay Miro, kabilang sa mga kasong kahaharapi­n ni Lopez ang pagsuway sa traffic rules, at ang mismong post ng aktres ay isang pag-amin o matibay na ebidensiya sa pagsuway nito sa batas-trapiko.

Una nang sinabi ni Celine Pialago, tagapagsal­ita ng MMDA, na pinag- iisipan ng ahensiya na bawiin o suspendihi­n ang lisensiya ni Lopez.

“It’s a serious breach of security. MMDA and LTFRB (Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board) will now recommend to the LTO the suspension or cancellati­on of the driver’s license of Ma. Isabel Lopez,” ani Pialago.

Sinabi naman kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na susuportah­an nito ang anumang hakbangin laban kay Lopez.

“A person of her stature should be an example to the Filipino community but she did just the contrary,” sabi ni NCRPO Director Oscar Albayalde. “May this incident serve as a stern warning and reminder to the public that all agencies are communicat­ing and are all working hard to provide security and order for the ASEAN Summit. Any violations on the protocols and rules set forth by the ASEAN Task Forces shall not be tolerated.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines