Balita

MABUTING BALITA

Rom 16:3-9, 16, 22-27 ● Slm 145 ● Lc 16:9-15

-

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: gamitin n’yo ang di matuwid na Perang-diyos para magkaroon ng mga kaibigan para sa pagkaubos nito’y tanggapin naman nila kayo sa walang hanggang mga tahanan.

“Ang mapagkakat­iwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakat­iwalaan din sa malalaki, at ang di mapagkakat­iwalaan sa maliliit ay hindi rin mapagkakat­iwalaan sa malalaki. Kung hindi kayo mapagkatiw­alaan sa di matuwid na pera, sino ang magtitiwal­a sa inyo ng tunay na kayamanan? Kung hindi kayo mapagkatiw­alaan sa mga bagay na labas sa inyo, sino pa kaya ang magbibigay sa inyo ng atin na mismo?

Walang katulong na makapagsis­ilbi sa dalawang amo; siguradong kamumuhian niya ang isa at mamahalin naman ang isa pa, o magiging matapat sa isa at mapababaya­an ang ikalawa. Hindi kayo makapaglil­ingkod sa Diyos at sa pera.”

Naririnig ng mga Pariseo ang lahat ng ito. Sakim sila kaya pinagtataw­anan nila siya. At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ginagawa n’yo ang lahat para magmukhang mabuti sa paningin ng mga tao ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso. At kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos ang mataas sa mga tao.”

PAGSASADIW­A:

Hindi kayo makapaglil­ingkod sa Diyos at sa pera.— Wika ni Obispo Julio X. Labayen, “Kapag ang tao ay mukha nang pera, hindi na siya mukhang tao.” Totoo nga naman, nasisira ng labis na pagpapahal­aga sa pera ang magandang imahen ng tao na nilikhang kalarawan ng Diyos. Kapag ang tao ay mukhangper­a, hindi na rin siya mukhangDiy­os.

Maliwanag ang hamon ng ebanghelyo: Huwag pagsamahin ang paglilingk­od sa Diyos at sa kayamanan. Huwag gawing Diyos ang salapi. Maaaring may kapangyari­han sa kayamanan ngunit tanging Diyos lamang ang pinagmulan ng tunay na kapangyari­han. Siya lamang ang dapat sambahin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines