Balita

Pagtatakip

- Ric Valmonte

SINAMPAHAN­ni Sen. Antonio Trillanes ng mga kasong plunder, malversati­on, graft at violation of The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa Office of the Ombudsman sina Sen. Richard Gordon at Gwendolyn Pang. Pinaiimbes­tigahan ni Sen. Trillanes ang umano ay maanomalya­ng paggastos ni Sen. Gordon sa Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) nito na nagkakahal­aga ng P193 million, na ibinaling niya sa Philippine Red Cross (PRC).

Ill-gotten wealth, ayon kay Trillanes, ang umano ay maling paggamit ng pondo para sa campaign materials nito, na isa sa mga alegasyon ng plunder. Kumandidat­o si Gordon para sa panguluhan noong 2010 at para sa Senado noong 2013.

Inakusahan ni Trillanes si Pang na pumasok sa mga maanomalya­ng transaksiy­on para sa personal na interes ni Gordon gamit ang PDAF na ibinigay sa PRC. “Ethical ba,” tanong ni Trillanes, “na i-divert ang kanyang pork barrel sa NGO na siya ang chairman at chief executive officer nito mula noong 2004?”

Nauna rito, inireklamo ni Gordon si Trillanes sa Senate Committee on Ethics. Tinawag kasi ni Trillanes ang Senate Blue Ribbon Committee ni Gordon na “comite d’ absuelto”. Dinidinig noon ng komite ni Gordon ang smuggling na naganap sa Bureau of Customs (BoC) na kinasangku­tan ng P6.4 bilyon halaga ng shabu. Natunton ang ilegal na droga sa isa sa mga warehouse sa Valenzuela.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang Senador tungkol sa isyu kung dapat na imbitahan ang anak ni Pangulong Duterte na si Paolo at ang manugang nitong si Atty. Mans Carpio. Iginiit ni Sen. Trillanes na dapat silang imbitahin dahil nabanggit ng whistleblo­wer na si Mark Taguba ang Davao Group na isa umano sa mga binibigyan nila ng “tara” upang mapabilis ang paglabas ng kanilang kargamento sa BoC. Hindi na kailangang siyasatin pa ang mga ito, kaya nakalusot ang malaking shipment ng shabu.

Ayon kay Taguba, nagbigay siya ng “enrolment fee” na P4 milyon sa Davao Group sa pamamagita­n ni “Small”, upang mapasama sa mga importer na mabilis na nailalabas ang mga kargamento na hindi na kailangan pang siyasatin. Si “Small” ay konsehal, samantalan­g si Paolo ay bise alkalde ng Davao City.

Dahil sa nakita ni Trillanes, batay sa mga deklarasyo­n ng mga naging resource persons, na ang smuggling sa BoC ay naganap dahil sa impluwensi­ya ng Davao Group at ugnayan nina “Small” at Paolo, nagpanukal­a siya sa komite na paimbitaha­n sa pagdinig sina Paolo at ang bayaw nitong si Atty. Mans Carpio.

Tinanggiha­n ito ni Gordon dahil wala raw namang maipakitan­g ebidensiya si Trillanes na may kinalaman sina Paolo at Carpio sa pagpupusli­t ng kargamento. Nagkainita­n sina Gordon at Trillanes at nasabi tuloy ni Trillanes na “comite de absuelto” ang komite ni Gordon. Pero, ang isyu ngayon ay ethics. Napilitang ipatawag ni Gordon sina....

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines