Balita

Erwan at Anne, ikinasal sa New Zealand

- Nina KAREN VALEZA at REGINA MAE PARUNGAO

IKINASALna ang celebrity couple na sina

Anne Curtis at Erwan Heussaff saksi ang kani- kaniyang pamilya at mga kaibigan sa Thurlby Domain sa Queenstown, New Zealand kahapon.

Sa garden wedding ay suot ni Anne ang Monique Lhuillier long-sleeved lace gown at naka-green suit naman si Erwan.

Naging teary-eyed si Erwan nang magsimula ang seremonya. Naging emosyonal din si Anne habang pinasasala­matan ang kanilang mga bisita. Ang dalawa ay naging magkasinta­han noong 2010 at naging engaged noong Nobyembre 2016 sa US pagkatapos ng pagsali ni Anne sa New York Marathon. Kabilang sa entourage ni Anne si Luis

Manzano bilang kanyang Man of Honor, ang kapatid na si Jasmine Curtis Smith, Karylle, Cheska Kramer, Isabelle Daza, Georgina Wilson, at ang kapatid ni Erwan na si Solenn. Ang entourage naman ni Erwan ay sina Nico

Bolzico na asawa ni Solenn at ang asawa ni Isabelle na si Adrien Semblat, at iba pa.

Star-studded ang kasal na dinaluhan ng kasamahang hosts ni Anne sa It’s Showtime na sina Kim Atienza, Vice Ganda, Ryan Bang, at Jugs Jugueta. Dumalo rin ang matagal nang kaibigan ni Anne na si Danica Pingris, at CJ Jaravata.

Isang araw bago ginanap ang kasal, nagdaos ang magkasinta­han ng welcome dinner para sa kanilang mga bisita sa Trelawn Place guest house.

Ang 32-year-old actress ay nagkaroon ng “secret” bacheloret­te party sa Los Angeles, na inorganisa ng kanyang kapatid na si Jasmine. Kasunod nito ay nagkaroon sina Anne at Erwan ng koreanovel­a- inspired prenuptial photo shoot sa South Korea.

Naging malihim sina Anne at Erwan sa mga detalye ng kanilang wedding preparatio­n, at iginiit na nais nilang maging pribado ang kanilang special day hangga’t maaari.

Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni Anne na walang magbabago sa kanyang career direction pagkatapos ng kasal.

 ??  ??
 ?? Erwan at Anne ??
Erwan at Anne
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines