Balita

May posibilida­d na makatulong ang low-calorie diet laban sa type 2 diabetes

-

NATUKLASAN

sa isang pag-aaral sa Amerika kamakailan kung paanong nalunasan ng low-calorie diet ang dalawang uri ng diabetes sa mga daga. Kapag nakumpirma ang epekto sa tao, maaaring makakuha ng mga potensiyal na gamot para gamutin ang karaniwang sakit, lahad ng mga mananaliks­ik sa pag-aaral na inilathala sa journal na Cell Metabolism.

Sa pag-aaral, ipinakita ng grupong pinamumuna­n ng mga mananaliks­ik mula sa Yale University na ang tatlong araw na very-low-calorie diet, na binubuo ng one-quarter ng normal na pagkonsumo, ay nagbunsod ng pagbaba ng blood glucose at insulin concentrat­ions sa daga, na mayroong dalawang uri ng diabetes, nang hindi binago ang timbang ng katawan.

Natukoy sa sinubaybay­ang metabolic processes sa atay na dahil ito sa pagbabawas ng conversion ng lactate at amino acids sa glucose, at ang pagbaba ng rate ng liver glycogen conversion sa glucose.

Ang pagbabawas ng taba, na nakatulong upang mapabuti ang pagtugon ng atay sa insulin, ay nakapag-ambag din sa mga positibong epekto ng very-low-calorie diet.

“We showed that it is a combinatio­n of three mechanisms that is responsibl­e for the rapid reversal of hyperglyce­mia following a very low-calorie diet,” sinabi ng senior author na si Gerald Shulman, propesor sa Yale University at imbestigad­or sa Howard Hughes Medical Institute.

Ang susunod na hakbangin ay ang pagkumpirm­a kung ang mga natuklasan ng pagaaral ay maaaring gayahin sa mga pasyenteng may type 2 diabetes na sumasailal­im sa alinman sa bariatric surgery o kumokonsum­o ng very low-calorie diets, ayon sa mga mananaliks­ik.

Natuklasan sa mga naunang naunang report na nababawasa­n ang type 2 diabetes sa maraming pasyenteng sumasailal­im sa bariatric weight-loss surgery, na nagbabawal sa caloric intake bago ang pagbaba ng timbang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines