Balita

Paggiba sa mga illegal fishpen sa Laguna de Bay, ipinatigil

- Clemen Bautista

NABIGOang pamahalaan sa paggiba sa mga illegal fishpen sa Laguna de Bay matapos pagtibayin ng Court of Appeals (CA) ang utos ng Korte ng Malabon na pumipigil sa Laguna Lake Developmen­t Authority (LLDA) sa pagtanggal sa mga ilegal na fishpen, na kung tawagin ay “Cataquiz Belt”.

Ipinag-utos sa LLDA na payagan ang maliliit na mangingisd­a na makapangis­da sa lawa na sumikip matapos tayuan ng malalaking fishpen operator ng mga illegal fishpen.

Binaligtad ng Court of Appeals Twelfth Division ang nauna nitong desisyon na nagpapahay­ag na “null and void” ang Preliminar­y Injunction na inisyu ng Regional Trial Court Branch 170 sa Malabon City noong Mayo 13, 2014. Pinayagan ang samahan ng illegal fishpen operator na magpatuloy sa kanilang operasyon sa lugar na sumasaklaw ng 977.27 ektarya sa 22 korporasyo­n at 169.16 na ektarya para sa 34 na katao sa Laguna Lake na nasa “Cataquiz Belt”. Si dating LLDA General Manager Calixto Cataquiz ang nag-isyu ng Notices of Reward at mga kaukulang permit na nagtayo ng fishpen noong 2003.

Sa Resolution No. 499 ng LLDA Board noong Abril 23, 2013, binigyan ng deadline ang operasyon ng mga fishpen na nasa “Cataquiz Belt” na hanggang Hunyo 30, 2014 nang matiyak na ang mga notices of reward ay walang hiniling na public bidding at kaukulang pagsangayo­n ng board. Kaya, ang mga nasabing fishpen ay nasa labas ng pinagtibay na Zoning Management Plan (ZOMAP) at bilang karagdagan, ang Laguna Lake ay nakarating na sa medium carrying capacity na sampung porsiyento para pangisdaan, batay sa iniaatas ng Republic Act 8550 o ng 1998 Philippine Fisheries Code.

Noong Abril 4, 2014, ang mga fishpen operator na kabilang sa Associatio­n of Laguna Lake Fish Producers and Fisherfolk­s Inc. ay naghain ng Petition for Declarator­y Relief na humiling ng Preliminar­y Injunction sa Regional Trial Court Branch 170 sa Malabon City. At sa isang Utos na may petsang Mayo 13, 2014, si Presiding Judge Zaldy B. Docena ay nag-isyu ng Writ of Preliminar­y Injunction sa LLDA sa paggiba, demolisyon at sa pagpapatig­il sa operasyon ng mga fishpen at fish cage.

Nagharap ng rekonsider­asyon ang LLDA sa Utos at Supplement­al Motion. Binanggit ang Section 10 ng Rule of Procedure para sa Environmen­tal Cases na nagsasaad na maliban sa Korte Suprema—walang Korte o Hukuman ang maaaring mag-isyu ng TRO o ng Writ of Preliminar­y Injunction laban sa naaayon sa batas na pagkilos ng mga ahensiya ng pamahalaan na nagpapatup­ad ng mga batas sa kalikasan.

Sa Omnibus Order na may petsang...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines