Balita

Kiko Rustia, tuloy ang adbokasiya sa environmen­t

- Ni NORA CALDERON

NATATANDAA­Npa ba ninyo si Kiko Rustia, ang contender sa unang

Philippine­s’ Survivor ng GMA-7? Siya ang castaway na natandaan ng televiewer­s dahil sa mahaba niyang braided hair at kung anu-anong borloloy na bracelets na may kahulugan ang bawat isa.

Kahit hindi siya ang nanalo kundi si JC Tiuseco, hindi naman na nawala si Kiko sa TV, dahil kinuha siya ng GMA News & Public Affairs para mag-host ng Born To Be Wild. Kilala kasi si Kiko sa kanyang environmen­t advocacy at nag-stay siya ng ilang taon sa Boracay.

After ng show, nagpaka-daddy muna si Kiko sa apat na anak niya na ang youngest ay one year and a half, pero ngayon ay balik na siya muli sa kanyang advocacy.

Pagmo-model ang pinasok niya this time at kinuha siya ng isang internatio­nal clothing apparel brand. Sa European countries nakadispla­y ang kanyang mukha na gustung-gusto ang kanyang ethnic image.

“Hindi ko nga alam iyon, until may mga friends ako sa Europe na sabi nila ay nakikita raw nila sa billboards doon ang mukha ko,” kuwento ni Kiko. “Iyon pala, ‘yong kasama ko ring model na Pinoy, kami ang inilagay doon at ‘yung mga Europeans naman ang dinala nila rito. “At thankful po ako na dahil sa kabibiyahe ko sa north sakay ng Victory Liner, ako ang kinuha nila katuwang ang Metrobank Card Corporatio­n para sa promo merchandis­e nila ng prepaid card, ang Victory Liner Premiere Prepaid VISA. Kapag nag-avail kayo ng card, magagamit na ninyo ito sa online booking kung magbibiyah­e kayo sakay ng Victory Liner. May mga perks ang privileges din kayong matatangga­p. Reloadable ito at puwede rin ninyong gamitin sa online purchases, sa pagpapadal­a ninyo ng pera sa mga mahal ninyo sa buhay at mag-withdraw sa BankNetATM like a debit card. Madali rin pong mag-load dahil available ito sa over 4,000 loading points.” Magiging available na ang card simula sa December 21 sa lahat ng Victory Liner bus stations and in key merchants in early 2018. Sa launching ng prepaid card, ipinakita si Kiko na hawak ang prepaid card at present naman sina Rko Abdurrah (MCC President), Stu Tomlinson (VISA) at Johnny Hernandez (Victory Liner President) at Dan Wolbert ng Visa.

 ?? Kiko ??
Kiko

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines