Balita

Mag-utol sinaksak ng kapitbahay, 1 patay

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang sidecar boy habang sugatan ang kuya niyang constructi­om worker nang pagbalinga­n sila ng galit at pagsasaksa­kin ng kanilang kapitbahay matapos na makipagawa­y sa live-in partner nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nasawi dahil sa mga saksak sa katawan si Ian dela Roma, 21, pedicab driver, habang sugatan naman si Noel dela Roma, 25, constructi­on worker, kapwa residente ng Capulong Street, Raxabago, Tondo.

Samantala, nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Bernard Morbos, 29, miyembro ng BSL 22 Gang, at kapitbahay ng mga biktima.

Sa ulat ni SPO2 Lester Evangelist­a, ng MPD- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), dakong 6:20 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng magkapatid.

Nabatid na bago ang pananaksak, nagkaroon ng pagtatalo si Morbos at kinakasama niyang si Jasmine Montoya, at sa matinding galit ay kumuha ng kutsilyo ang suspek.

Gayunman, sa halip na si Montoya ang saksakin ay tinarakan ni Morbos si Noel na nakatayo lamang sa harapan ng kanilang barung-barong ngunit nasalag nito ang saksak at nakatakbo.

Dahil dito, pinagbalin­gan naman ng galit ng suspek ang noon ay nakaupong si Ian at pinagsasak­sak ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines