Balita

Surigao 7 beses nilindol

- Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Pitong mahihinang lindol ang yumanig hanggang kahapon sa Pacific Ocean malapit sa Surigao del Norte at Surigao del Sur, ayon sa Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs).

Gayunman, walang naidulot na pinsala o nasaktan sa mahihinang lindol na tumama sa mga lalawigan, saad ng ahensya.

Sa tala nito, sinabi ng Phivolcs na ang huling pagyanig sa lugar ay may lakas na 3.4 magnitude, na naitala bandang 10:20 ng umaga.

Natukoy ang epicenter 36 na kilometro (km) ang layo sa timog-kanluran ng Surigao City, at may lalim na 30 km, ayon sa Phivolcs.

Naitala rin ang 3.0 magnitude dakong 8:56 ng umaga may 47 km sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, at may ilalim na 23 km.

Nairehistr­o rin ang 2.7 magnitude na lindol bandang 1:09 ng umaga sa apat na kilometro sa timog-silangan ng Cantilan, Surigao del Sur; 3.2 magnitude dakong 5:21 ng umaga sa 38 km ng hilaga-silangan ng Cagwait.

Naitala rin ang magnitude 2.1 bandang 7:53 ng umaga sa 19 km sa hilagang-kanluran ng Santa Monica (Sapao), Surigao del Norte; 2.3 magnitude dakong 11:04 ng hapon nitong Linggo sa Socorro, Surigao del Norte; at 2.0 magnitude sa Cortes, Surigao del Sur.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines