Balita

Sundalo sumuko sa homicide

- Fer Taboy

Sumuko kahapon sa pulisya ang isang sundalo makaraang mamaril at makapatay ng isang lalaki, na ikinasugat ng dalawang iba pa, sa Polomolok, South Cotabato.

Nangyari ang insidente sa Cannery Road, Citizens Village sa Polomolok, at kinilala ng pulisya ang sumuko na si Pfc. Reynold Londres, 28, miyembro ng 27th Infantry Batallion (IB) sa Tupi.

Pinaghahan­ap pa ng mga awtoridad ang tatlo pang sundalong tumakas na kinilala lamang bilang sina Staff Sgt. Trance, Sgt. Rebullos, at Pfc. Sabillo, pawang ng 27th IB.

Nabatid sa nalasing umano ang mga suspek at nakaalitan si Aries Ang, 23, hanggang barilin ito.

Nasugatan sa pamamaril sina John Angelo Felisilda, 18; at Freddie Simacas, 27 anyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines