Balita

1 patay, 4 sugatan sa rido ng MILF, MNLF

- Malu Cadelina Manar

KIDAPAWAN CITY – Nauwi sa pakikipags­agupaan sa isa pang grupong Moro ang pagpatay nitong Sabado sa isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Matalam, North Cotabato, at apat na residente ang nasugatan sa labanan, ayon sa pulisya.

Naniniwala si Chief Insp. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam Police, na posibleng “rido” o alitan ng mga angkan ang motibo sa pamamaslan­g ni Karim Unsil, 38, kasapi ng 15th Council ng Moro National Liberation Front (MNLF), kay Tony Polalong, miyembro ng 108th Base Command ng MILF, kapwa tagaBarang­ay Marbel, Matalam.

Ayon sa mga report, binaril at napatay ni Unsil si Polalong sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa loob ng barangay center sa Bgy. Marbel nitong Sabado, at dumiretso ang suspek sa kampo ng MNLF sa lugar.

Gayunman, tinugis si Unsil ng mga kaanak ni Polalong na nauwi sa engkuwentr­o ng dalawang panig, at apat na residente ang nasugatan.

Sa panig ng MNLF, kinilala ang nasugatan na sina Jocelyn Tan at Anisa Iman, 32, kapwa taga-Bgy. Marbel, habang sugatan naman sa panig ng MILF sina Francis Imbong Abas at Russel Naga.

Nitong Linggo, ayon sa pulisya, ay nagharap ang mga kumander ng dalawang grupong Moro at pinagusapa­n ang posibilida­d na kaagad tuldukan ang rido.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines