Balita

Mga pagamutan sa Metro Manila, Regions 3 at 4A, nakaalerto para sa ASEAN Summit

-

ISINAILALI­M ng Department of Health ang lahat ng ospital sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon sa blue alert, alinsunod sa pagiging punong-abala ng bansa sa 31st ASEAN Summit and Related Meetings.

“It will be elevated to Code Blue starting Sunday until November 15 in the NCR, Region 3, and Region 4-A,” lahad ni Health Undersecre­tary Herminigil­do Valle.

Ang pagtataas ng code blue ay karaniwang ginagawa at kinakailan­gan upang masiguro ang kahandaan ng mga ospital kapag mayroong mga pandaigdig­ang aktibidad, para makapagbig­ay ng mabilis na serbisyo ang mga pagamutan.

“The possible need for emergency response (in events like this) is perceived as higher,” ani Valle.

Sa ilalim ng code blue alert, 50 porsiyento ng lahat ng tauhan ng ospital ay papasok upang magbigay ng medikal at iba pang serbisyo sa harap ng anumang sitwasyon ng emergency.

Obligado ang mga Health Emergency Management Bureau coordinato­r ng Department of Health na maging pisikal na nasa mga ospital na isinailali­m sa Code Blue.

Ang kailangang health personnel ay dapat na binubuo ng on-scene response team, mga medical officer na mangangasi­wa sa emergency room, lahat ng tauhan sa Department of Orthopedic­s, medical officer para sa operating room, surgical team na duty sa araw na iyon, surgical team na naka-duty ng nakaraang araw, ilang mental health profession­al.

Kailangan ding nasa ospital sa lahat ng oras ang lahat ng tauhan sa anaesthesi­ology, mga toxicologi­st, eksperto sa kemikal na nakakalaso­n, lahat ng third at fourth year residents, administra­tive officer, nursing supervisor na duty, lahat ng nurse sa operating room, social worker, dietary personnel, opisyal na mangangasi­wa sa supplies at sa buong puwersang pangseguri­dad, at lahat ng trabahador na naka-duty sa araw na iyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines