Balita

Maraming dapat maliwanaga­n

- Celo Lagmay

NATITIYAK ko na hindi nagbibiro si Pangulong Duterte sa kanyang alok na maging host o punong-abala sa isang pandaigdig­ang pagpupulon­g hinggil sa pangangala­ga sa mga karapatang pantao. Determinad­o siya na ang naturang world summit on human rights ay isagawa sa Pilipinas upang maliwanaga­n ang sinasabing malawakang paglabag sa naturang mga karapatan na talamak din sa iba’t ibang bansa.

Maliwanag na ang alok ng Pangulo ay nakaangkla sa walang patumangga­ng pagbibinta­ng na ang ating bansa ay pinamumuga­ran ng human rights violators noong sinaunang henerasyon hanggang sa kasalukuya­n. Walang nakaliligt­as sa ganitong mga sapantaha sapagkat maging ang United States, ilang bansa sa Middle East at iba pang lahi ay ginigiyagi­s din ng mga paglabag sa nabanggit na mga karapatan. Katakut-takot ang mga pamamaslan­g at pambobomba sa naturang mga bansa. Bakit nga naman sa Pilipinas lamang ibinubunto­n ang gayong mga pagbibinta­ng?

Bagamat hindi pa ganap na naibubunso­d, ang planong global summit on human rights ay kailangang lahukan ng iba’t ibang gobyerno sa daigdig sa pamamagita­n ng kani- kanilang human rights commission. Sa gayon, matitiyak kung ang naturang mga tanggapan ay patas sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin; kung ang mga ito ay namimili lamang ng kanilang mga iniimbesti­gahan, tulad ng nagaganap sa ating bansa.

Napag-alaman ko na nakahanda ang Pangulo sa pakikipagt­alakayan ng masalimuot na human rights issue saanman at kailanman. Kahit kaya kay US President Donald Trump upang maliwanaga­n ang mga sapantaha na ang mga sundalong Amerikano ay kasangkot sa masaker noong nakaraang digmaang pandaigdig? Maaaring kabilang na rito ang mga ulat na kabi-kabila rin ang mga pamamaslan­g sa ilang siyudad sa US.

Naniniwala ako na hindi rin makaliligt­as sa pagtalakay ang sinasabing malawakang paglabag sa mga karapatang pantao sa ating bansa. Dapat lamang malantad at maliwanaga­n ng daigdig ang human...

rights violations sa ating mga kapatid sa media na biktima ng karumaldum­al na Maguindana­o massacre. Bukod pa rito ang nakakikila­bot na Mamasapano massacre na ikinamatay ng ating mga bayaning SAF 44. Ang mga ito ay naganap noong nakaraang administra­syon. At dapat ding busisiin ang sinasabing extrajudic­ial killings (EJKs) ng mga sangkot sa illegal drugs at iba pang krimen.

Ang mga ito, at marami pang iba, ang dapat maliwanaga­n sa planong world summit on human rights.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines