Balita

Convo nina Pauleen at Angela, positive vibes ang hatid sa netizens

- --Nitz Miralles

IKINATUWA ng mga nakabasa ang palitan ng messages nina Pauleen Luna-Sotto at Angela Luz sa Instagram (IG) account ni Angela. Nag-post si Pauleen ng, “Thank you Ella for being so thoughtful. We hope to see you soon!” Sumagot si Angela ng, “So glad to know you delivered safely, and congratula­tions on the birth of your beautiful baby girl. I hope to meet her soon...” Si Angela ang ina ng isa pa sa anak na babae ni Vic Sotto na si Paulina Luz Sotto-Llanes kaya half-sister ng anak niya ang bagong baby nina Vic at Pauleen na si Talitha Maria Luna-Sotto.

Positive vibes ang dala ng very short convo ng dalawa tungkol sa baby nina Pauleen at Vic, pero sa pagbabasa namin sa IG ni Paulina, dati na pala silang nagko-convo ni Pauleen. Tuluy-tuloy ang communicat­ion nilang dalawa.

 ??  ?? Baby Talitha at Pauleen
Baby Talitha at Pauleen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines